Chynna Ortaleza, Kean Cipriano may nakakalokang eksena bago pa magkakilala at ma-fall nang bonggang-bongga sa isa't isa | Bandera

Chynna Ortaleza, Kean Cipriano may nakakalokang eksena bago pa magkakilala at ma-fall nang bonggang-bongga sa isa’t isa

Ervin Santiago |August 20,2023
facebook
share this

Chynna Ortaleza, Kean Cipriano may nakakalokang eksena bago pa magkakilala at ma-fall nang bonggang-bongga sa isa’t isa

Ervin Santiago - August 20, 2023 - 07:41 AM

Chynna Ortaleza, Kean Cipriano may nakakalokang eksena bago pa magkakilala at ma-fall nang bonggang-bongga sa isa't isa

Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

IBANG klase rin talagang magbiro ang tadhana, no!? Knows n’yo ba na isa sa napaglaruan nito ay ang celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza?

Nag-share ang mag-asawa ng ilang mahahalaga at nakakalokang detalye tungkol sa kanilang love story sa guesting nila sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” Sa GMA 7.

Dito nga nila naikuwento na muntik na pala silang maging magka-date noon sa isang prom na talagang hinding-hindi makakalimutan nina Chynna at Kean.

“Ito ‘yung parte ng pag-aartista ko na talagang sobrang dami ng nangyayari. ‘Yan ‘yung pinakatugatog ng loveteam namin ni Richard Gutierrez,” simulang chika ni Chynna kay Tito Boy Abunda.

Nagkaroon ang Kapuso actress at TV host ng stylist noon na pinsan ni Kean. Ito raw ang nagsabi sa singer-songwriter kung gusto niyang magkaroon ng ka-date na celebrity sa kanilang prom sa school.

Pagbabalik-tanaw ni Kean, “Sabi niya ‘Pinsan, gusto mo ba ng artista na ka-date?’ So ako, siyempre naman! Bidang-bida ako sa mga ka-batch ko noon.

“Tanong ko sa kanya, ‘Sino?’ ‘Chynna Ortaleza.’ Sabi no, ‘Talaga ba? Sige, game na game!’” ang chika ni Kean.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)


Sa sobrang excitement, ibinida na agad niya sa mga kaibigan at kaklase na celebrity ang makaka-date niya sa prom.

“Tapos, binalikan ako ng pinsan ko, sabi niya, ‘Hindi puwede si Chynna.’ Pero nagbigay siya ng ID picture dati, mga wallet picture. May pirma, may autograph,” patuloy na chika ni Kean.

Hirit naman ni Chynna, “Pinirmahan ko pa ‘yun, naaalala ko nakalagay, ‘Take care’ ata, ganu’n ka-generic. Tapos akala ko talaga inquiry siya ng trabaho na makaka-date ko,” sey naman ni Chynna.

“Magbabayad pa pala ako Tito Boy! Hindi ko alam. May raket pa pala ako,” natatawa namang sey ni Kean.

Baka Bet Mo: Chynna gustong bigyan ng medal si Kean sa pagiging asawa at ama

Sundot na tanong ni Tito Boy kung ano na ang nangyari sa mga photos na ibinigay ni Chynna kay Kean, “Nagsu-swimming na po siya sa Pasig River,” ang laugh nang laugh na hirit ni Chynna.

“Wala lang. Kasi may mga bagay-bagay na ayaw mo ng problema,” sey naman ni Kean.

“Nawala tuloy ‘yung memento na ‘yun,” ang may panghihinayang na sabi pa ni Chynna.

Samantala, naibahagi rin ni Chynna ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang love story, “For me, the one that sticks out is yung pag-reconnect namin after namin triny i-kill yung spark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)


“It wasn’t the right time, Tito Boy. He was in a relationship then and I was a wreck,” sey ng aktres.

Pagsang-ayon ni Kean sa kanyang wifey, “Kasi parang feeling namin, hindi siya yung tamang oras, tamang sitwasyon.”

Ngunit sa kabila nito, nararamdaman naman ni Chynna na may sparks sila ni Kean, “Grabe kami mag-usap. As in ngayon lang ako nakakita ng tao na kahit anong pag-usapan namin, sobra akong masaya, pero kinailangan naming itigil ‘yon dahil alam naming hindi tamang panahon.”

Reaksyon ng singer, “Nakakatakot siya, Tito Boy, yung pakiramdam na yon, ‘yung parang una kaming nagkasama ni Chynna parang masyado siyang malakas.

“Literal na sabi ko, natakot ako. So parang nu’ng nag-reconnect kami after nu’ng panahon na ‘yon, du’n na ‘yon,” aniya pa.

Tandang-tanda pa ng dalawa ang muli nilang pagkikita, at yan ay sa premiere night ng pelikula ni Chynna with the one and only Superstar and National Artist  Nora Aunor, ang “Dementia”.

Pero simpleng batian lamang ang namagitan sa kanila but Kean admitted na nu’ng time na yun ay napi-feel niyang si Chynna na ang kanyang “the one”.

“Pero ako, Tito Boy, ‘yung isang highlight, nu’ng talagang nag-decide na kami na maging kami. Dahil may feeling ako noon na eto na ‘yun eh, ang dami ko pang paligoy-ligoy. Parang nu’ng na-feel ko ‘yun, parang ‘ah, eto na ‘yun, tapos na ako. Dito na ako,’” ani Kean.

Sa isang simbahan muling nagkasama ang celebrity couple at doon nga naglakas-loob si Kean na itanong kay Chynna ang mga katagang, “How would you feel kapag naging tayo?”

Itinuro ni Chynna ang simbahan sabay dialogue ng, “Tanungin mo S’ya. I referred to God because sabi ko nga sa kanya, ‘D’yan tayo magko-commit.’”

Hanggang sa maganap na nga ang kanilang civil wedding noong 2015, at sinundan ng kanilang pagpapakasal aa simbahan taong 2017. Biniyayaan sina Chynna at Kean ng dalawang anak — sina Stellar at Salem.

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chynna, Kean takang-taka kung bakit tinamaan pa rin ng COVID: Ang mahal magpa-RT-PCR! Aguy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending