Kean Cipriano ‘super thankful’ kay Chynna Ortaleza: Araw-araw mo akong pinapabilib
“SALAMAT sa pagmamahal at pag-aalaga.”
‘Yan ang mensahe ng OPM artist na si Kean Cipriano para sa kaarawan ng kanyang misis na si Chynna Ortaleza.
Sa Instagram post ng singer ay makikita ang litrato ng dalawa na may kalakip na caption na puno na papuri at pasasalamat para sa kanyang asawa.
Sey sa caption ni Kean, “Ang sarap mong mahalin at kilalanin.
“Araw araw moko pinapabilib. Sana matupad mo lahat ng pangarap mo.”
Patuloy pa niya, “Nandito lang ako palagi naka suporta.
“You deserve all the great things in life Mahal! Life begins today. You got me all the way. (cake emoji)”
View this post on Instagram
May reply naman sa sweet IG post ang aktres at sinabing, “thank you so much!!!!! (red heart emoji) sending blessings & love to everyone who greeted.”
Bumati rin sa kanya ang ilang celebrities gaya nina Angelica Panganiban, Giancarlo Magdangal, Giancarlo Magdangal, ata marami pang iba.
December 2015 nang pribadong ikinasal ang mag-asawa at nabiyayaan ng dalawang anak na sina Stellar at Salem.
Noong nakaraang buwan lamang ay ipinagdiwang nila ang kanilang 7th wedding anniversary.
Ipinost pa ni Kean ang video ng kanyang wedding proposal para kay Chynna.
Nakakakilig na caption pa nga niya, “Sa dami ng pinagdaanan natin, alam ko na tayo talaga yung naka tadhana sa isa’t isa. Salamat sa lahat lahat my love.”
Lahad pa niya sa post, “Ang sarap sa pakiramdam na may kasama ako sa buhay na kaya akong mahalin at kaya kong mahalin ng buong buo. Malaking factor na bukod sa magasawa tayo, magkaibigan talaga tayo.”
View this post on Instagram
Related chika:
Ian Veneracion ikinumpara kina Liam Neeson at Keannu Reeves, kering-keri pa ring makipagbakbakan
Dating miyembro ng JBK trio napiling bagong bokalista ng Lily, papalit kay Kean Cipriano
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.