Kean binalikan ang proposal kay Chynna: Alam kong gusto mong tumakbo palabas ng pinto nu'ng lumuhod ako, pero buti na lang naka-lock! | Bandera

Kean binalikan ang proposal kay Chynna: Alam kong gusto mong tumakbo palabas ng pinto nu’ng lumuhod ako, pero buti na lang naka-lock!

Ervin Santiago |November 09,2022
facebook
share this

Kean binalikan ang proposal kay Chynna: Alam kong gusto mong tumakbo palabas ng pinto nu’ng lumuhod ako, pero buti na lang naka-lock!

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 08:47 AM

Kean binalikan ang proposal kay Chynna: Alam kong gusto mong tumakbo palabas nu'ng lumuhod ako, pero buti na lang naka-lock!

Kean Cipriano, Chynna Ortaleza, Stellar at Salem Cipriano

BINALIKAN ng singer-actor na si Kean Cipriano ang araw nang mag-propose siya kay Chynna Ortaleza bilang bahagi ng kanilang 7th wedding anniversary.

Ipinost ni Kean sa kanyang Instagram account ang isang video nitong nagdaang Lunes,
November 7, na kuha matapos niyang yayain si Chynna na magpakasal.

“Posting this today on our 7th anniversary! Eto yung gabi na nagpropose ako sa ’yo. Nothing big, sincerity lang ang puhunan!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)


“Alam kong gusto mo tumakbo palabas ng pinto nung lumuhod ako, pero buti nalang naka lock!” ang nakasaad sa unang bahagi ng kanyang caption.

Patuloy na hirit ni Kean na isa na ring talent manager at producer ngayon, “Sa dami ng pinagdaanan natin, alam ko na tayo talaga yung naka tadhana sa isa’t isa. Salamat sa lahat lahat my love.

“Ang sarap sa pakiramdam na may kasama ako sa buhay na kaya akong mahalin at kaya kong mahalin ng buong buo. Malaking factor na bukod sa magasawa tayo, magkaibigan talaga tayo,” mensahe pa ng singer-songwriter.

Pangako pa niya sa asawa, “Kahit anong mangyare, andito lang ako para sayo. Hinding hindi kita pababayaan.

“Mahal na mahal kita @chynsortaleza! Happy anniversary!” sey pa ni Kean.

Nag-reply naman si Chynna sa  comments section ng IG post ni Kean, “Yung dapat walang social media release ang bidyow na yan!   happy anniversary mahal ko. Later na lang ako mag love letter. In Person. I love you so much!”

Kasunod nito, nagbahagi rin ng appreciation post ang Kapuso actress para sa kanyang pinakamamahal na mister, “7 Years. Thank you for loving all of me. Every phase, every day.

“Si Kean, answered prayer ko siya. Hahanapin ko ang journal ko para sa prayer reveal soon. I could not ask for a better partner.. honest, patient, supportive, and brutally frank.

“Thank you for being whoever my being needs to traverse this tough world. Best friend kita ‘til the end kita. I love you! @kean,” aniya pa.

Unang pinakasalan ni Chynna si Kean noong 2016 at sinundan nga ng isang church wedding nang sumunod na taon. Meron na silang dalawang anak ngayon, sina Stellar at Salem.

Chynna, Kean takang-taka kung bakit tinamaan pa rin ng COVID: Ang mahal magpa-RT-PCR! Aguy!

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending