Dating miyembro ng JBK trio napiling bagong bokalista ng Lily, papalit kay Kean Cipriano
SA wakas ay nakahanap na rin ang bandang Lily ng bagong bokalista makalipas ang ilang buwang paghahanap.
Nitong Martes, September 20 nang ipakilala nila sa publiko si Joshua Camacho Bulot bilang pinakabagong miyembro ng kanilang banda na siyang papalit sa pwestong iniwan ni Kean Cipriano.
Matatandaan na noong Hulyo ay binuksan ng banda ang audition para sa “Search for the New Lily Vox” matapos pormal na ipahayag ni Kean ang kanyang disengagement sa Callalily.
Ito rin ang rason kung bakit mula sa dating pangalang “Callalily” ay binago nila ito at naging “Lily” na ang new band name nila.
Si Joshua ay ang dating miyembro ng OPM trio na JBK na binubuo nina Brian del Rosario at Kim Lawrenz at una ngang nakilala sa kanilang “X-Factor UK” stint noong 2017.
Bukod rito, talaga namang magaling ang bagong bokalista ng Lily dahil nakasama rin ito sa mga cast ng award-winning Filipino musical na “Rak of Aegis” noong 2019.
Samantala, sobrang saya at excitement naman ang nadarama ni Joshua sa bagong oportunidad na kanyang natanggap.
View this post on Instagram
Unang beses naman na nakitang nag-perform ang bandang Lily kasama si Hoshua noong Lunes, September 19.
“Sana mameet ko lahat ng Callalily fans, cause I’m a fan too. ‘Di ko kayo bibiguin,” saad ni Joshua.
Marami naman sa mga netizens ang positibo ang naging pagtanggap sa bagong miyembro ng banda at nagdarasal na sana ay muli na itong makausad ang mga nakaraang isyu na kinasangkutan.
“Tuloy lang. comparison will always be there but true music fan will be happy for this new era of Lily,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Looking forward to your new music, LILY Music Congratulations on finally finding your new frontman & vocalist! Comparison is inevitable kasi matagal-tagal ding tumatak sa puso ng mga fans yung dating sound, but we gotta embrace change.”
“I cant wait to hear new set of music from lily,” sey naman ng isa pa.
Related Chika:
Kean Cipriano: Callalily is done, I’m moving on, I wish them all the best
Kean: Lumang social media page ng Callalily band may poser
Callalily, Mayonnaise, Jay Durias, Ruru Madrid nakisaya sa #2022getherSaNET25 countdown
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.