Kean Cipriano: Callalily is done, I’m moving on, I wish them all the best | Bandera

Kean Cipriano: Callalily is done, I’m moving on, I wish them all the best

Ervin Santiago |June 23,2022
facebook
share this

Kean Cipriano: Callalily is done, I’m moving on, I wish them all the best

Ervin Santiago - June 23, 2022 - 09:43 AM

Callalily

BUWAG na ang banda ng actor-singer na si Kean Cipriano, ang Callalily na nagpasikat sa mga kantang “Magbalik”, “Ex” at “Pansamantala”.

Inamin ng OPM artist at record producer na matagal nang hindi okay ang grupo at feeling niya kailangan na niyang mag-venture sa ibang bagay.

Si Kean ang chairman at CEO ng itinatag nilang record company ng asawang si Chynna Ortaleza, ang OC Records Philippines na apat na taon na ngayong nagma-manage ng mga recording artists.

Dati raw under ng OC Records ang Callalilly, “Before yeah, and when the band was still together.
Yeah, Callalily is done. Callalily is done. I’m moving on, I’ve move on, moving forward and I wish them all the best.”

Hindi diretsahang sinabi ni Kean kung maayos ba ang paghihiwalay ng dati niyang banda, “I believed we’re not in a fairy tale world. I mean we’re okay na parang…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean)


“I think in a group, magkakasama kayo for 17 years, marami na rin nangyari and I don’t think medyo matagal na rin kaming hindi okay so, alam mo ‘yun parang ibang chapter naman for us,” pahayag ni Kean sa isang report.

Ito naman ang naging sagot ni Kean nang matanong tungkol sa paghahanap ng bagong bokalista ng Callalily na “The Lily” na lang ngayon.

“I hope they find it, kung sino man. I mean you know I wish them really all the best, ‘di ba like I said, Callalilly is done and kung ano man ang gusto nilang dalhin.

“I mean, yun naman talaga ang point nito, ‘di ba, na in 10 years babalikan naming lahat and papasalamatan namin ang isa’t isa and that was a good call, di ba? ‘Yung growth natin, iba na siya ngayon, I wish them well,” paliwanag ng singer-songwriter sa nasabing panayam.

Posible pa kayang magkaroon ng  reunion concert ang kanilang grupo sa tamang panahon? “Hindi na magbabalik ang dating Callalily,” sagot ni Kean.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So ako rin, nasa ibang phase na ako ng buhay ko and I have a lot of things to do now, I am focusing with OC records. May tiwala sa akin ang mga artists ko and I think that I need to do my job better and do better for this,” katwiran pa niya.

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

Chynna, Kean takang-taka kung bakit tinamaan pa rin ng COVID: Ang mahal magpa-RT-PCR! Aguy!

Chynna gustong bigyan ng medal si Kean sa pagiging asawa at ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending