Chynna gustong bigyan ng medal si Kean sa pagiging asawa at ama | Bandera

Chynna gustong bigyan ng medal si Kean sa pagiging asawa at ama

Ervin Santiago - May 19, 2021 - 11:54 AM

“TAONG-TAO ako sa panahon na ‘to!” Yan ang pakiramdam ng Kapuso actress at TV host bilang nanay at asawa ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Chynna, sa kabila ng pag-atake ng matinding kalungkutan o anxiety at pangamba sa nangyayari sa mundo sa gitna ng COVID-19 pandemic, marami ring magandang nangyari sa buhay niya at ng kanyang pamilya.

Aniya, napakarami niyang realizations bilang asawa ng singer-actor na si Kean Cipriano at bilang nanay ng kanilang mga anak na sina Stellar at Salem.

“Taung-tao ako sa panahon na ‘to at lahat ng nararamdaman ko, ‘yung pagiging nanay ko, magnifies it more kasi, siyempre, ‘yung fears na nararamdaman ko every single second na kailangan kong iproseso ay hindi biro,” simulang pahayag ni Chynna sa panayam ng GMA.

Patuloy niyang paliwanag”Konting maliit na aksidenteng nangyayari sa kanila, ibang klase ‘yung pakiramdam ko, takot na takot ako na ilalabas ko sila sa bahay kung sakali pero kailangan ko kasi ‘yon i-battle e.

“Ayoko naman ‘yung tipong ayaw ko silang dalhin sa ospital kapag may mangyari sa kanila, kawawa naman ‘yung mga bata. So yung strength ko bilang babae, lalo pa s’yang naging 360, bakit?

“Kasi nalaman ko na pwede ka pa rin maging nanay kahit na lugmong-lugmo ka,” aniya pa.

Inamin din niya na hindi talaga siya tumanggap ng bagong projects dahil takot siyang mahawa ng COVID-19 at maipasa sa kanyang pamilya. Kaya naman naibuhos niya ang kanyang panahon sa kanyang sarili, kay Kean at sa mga anak nila.

“Sa totoo lang, every day, natse-check mo ‘yung sarili mo na parang nagre-reverse ‘yung progress ko. Bakit parang may mga days na ayaw ko na so kailangan kong i-push forward ‘yung sarili ko kasi hindi ako pwedeng mag-crumble dito.

“‘Yun ang blessing for me ng pandemic, ‘yun ang combination na feeling mo you’re so strong and really understanding why you’re strong because of all the things you have to battle and all the bad things that you have to digest every single day, or the bad news you have to digest, you just have to keep ongoing.

“Mas lalo akong naging in tune sa sarili ko so dahil siguro doon, mas naging mabuting tao ako so naging mas maayos na nanay pa ko, parang ‘yun ‘yung nagiging proseso ko,” paliwanag pa ng Kapuso star.

Samantala, todo naman ang papuri niya kay Kean bilang asawa at ama na talagang naging katuwang niya para mapanatiling maayos at ligtas ang kanilang pamilya sa panahon ng health crisis.

Partikular niyang tinukoy ang mahabang pang-unawa at unconditional na love para sa kanya ng bokalista ng bandang Callalily, “Kaya niya mag-adjust. kaya n’ya po akong intindihin. I’m not the easiest person to live with, honestly.

“My gosh, my moods, my character are not easy to live with so my husband adjusts every day and is able to understand me every day but, at the same time, para ko siyang tatay kapag feeling n’ya he’s just getting his way out of hand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masyado na talaga siyang sinakop ng pagka-pessimist n’ya kasi ganoon ako, ‘di ba? Ipinanganak akong pessimist, guys. Hanep naman, gusto ko siyang bigyan ng medal. Thank you talaga. Kinakaya mo (ang ugali ko),” papuri pa ni Chynna kay Kean.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending