Angel humugot kay Andrea para sa matitinding eksena sa ‘Senior High’
NAGPASALAMAT nang bonggang-bongga ang award-winning actress na si Angel Aquino sa controversial youngstar na si Andrea Brillantes.
Super grateful si Angel kay Andrea dahil talagang tinutulungan siya nitong makahugot ng tamang emosyon sa mga intense na mga eksena nila sa hit Kapamilya suspense-drama series na “Senior High.”
Hindi lang kay Andrea actually, bumilib ang beteranang aktres kundi sa lahat ng mga young stars na nakasama nila sa pinag-uusapang teleserye sa bansa.
View this post on Instagram
Sa naganap na finale mediacon ng “Senior High” last January 9, ibinandera ni Angel ang kanyang paghanga at pagsaludo kina Andrea, Elijah Canlas, Kyle Echarri, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Juan Karlos at iba pa.
“It was such an experience. A lot of times we were just watching them. Ang galing galing kasi nila. We were just so amazed, all of us.
“I am not only speaking for myself, everyone, can agree with me na bilib na bilib kami sa lahat ng mga bata who worked in this show together with us,” ang pahayag ni Angel.
“Every one of them showed really wonderful, great talent and dedication to their work, their craft and their roles. Talagang hinawakan nila yung mga role nila and nobody else can do it better than how they do it,” aniya pa.
Ayon pa sa premyadong character actress, may mga pagkakataon na umaasa siya sa ibibigay ni Andrea sa mga mabibigat nilang eksena sa “Senior High” na magtatapos na this week.
“I enjoyed doing scenes with Andrea kasi she’s very giving. We fed off each other’s emotions. Kung ano binibigay niya, tatanggapin ko lang yun and sana may nabigay din ako sa kaniya.
“We know that we can rely on each other, to salo and support one another and I’m very thankful,” sabi pa ni Angel.
“Kailangan kong maramdaman na I lost my daughter, my other daughter. Coming from nowhere, saan ko yun huhugutin. Hindi ko alam.
View this post on Instagram
“But she was there. She held my hand and yun, we were able to carry on with our scenes and of course si Direk (Onat Diaz),” sey pa niya.
Samantala, puro papuri rin ang ibinigay ni Direk Onat sa younger cast ng “Senior High”, “It’s always a very warm experience working with a talented group of people and I’ve always been gifted with the best group of casts coming from the last show at dito sa show na to sa Senior High.
“I had the best collection of young gifted artists and also very gifted senior cast members. So it’s really rewarding,” lahad ng direktor.
“To be fair, I never had any moment na na-bwisit ako sa kanila because these kids have always been giving me nothing but the best in every scene. Sobra akong proud sa kanila. Actually I never felt like a mother hen,” chika pa ni Direk Onat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.