Andrea walang balak magdyowa ngayong 2024

Andrea walang balak magdyowa uli ngayong 2024, palaging nasa simbahan

Ervin Santiago |January 22,2024
facebook
share this

Andrea walang balak magdyowa uli ngayong 2024, palaging nasa simbahan

Ervin Santiago - January 22, 2024 - 06:20 AM

Andrea walang balak magdyowa uli ngayong 2024, palaging nasa simbahan

Andrea Brillantes

WALA sa mga plano at top priorities ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ngayong 2024 ang magkaroon ng bagong boyfriend.

Mas gusto muna raw niyang i-enjoy nang bonggang-bongga ang pagiging single lady at mag-focus sa kanyang umaaribang showbiz career.

Sey ni Andrea, naniniwala siyang hindi hinahanap ang pag-ibig dahil kusa itong dumarating sa tamang panahon at pagkakataon.

Sa panayam ng ABS-CBN sa dalaga, natanong siya ng, “Is finding new love part of your goal in 2024?”

Baka Bet Mo: Willie Revillame biglang nagparamdam, magkakaroon rin kaya ng noontime show: Babalik ako

Tugon ng lead star ng hit Kapamilya series na “Senior High”, “New love romantically? Hmmm, not really, hindi po talaga yun yung nasa focus ko.”

Pero agad naman niyang sinabi na bukas pa rin ang kanyang puso na magmahal uli at wala rin siyang nararamdamang parang trauma sa mga lalaki sa kabila ng ilang beses na niyang pagkabigo sa larangan ng pakikipagrelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Never ko pong isasara yung heart ko and yung doors ko for love. I mean, I’m only turning 21 this year, but really wala talaga siya sa focus ko. Wala siya sa vision board ko,” mariin pa niyang sabi.

Napakaraming hinarap na isyu at kontrobersiya ni Andrea noong 2023, kabilang na riyan ang pinag-usapang breakup nila ni Ricci Rivero at ang pagkakadawit niya sa hiwalayang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Ang hirap pa ring mag-convince ng tao na manood sa sinehan – Paulo Avelino

Dahil dito, talaga namang nakatikim ng kaliwa’t kanang batikos at pambabastos ang dalaga, lalo na sa mga fans ng KathNiel.

Sa naturang panayam, inamin ni Andrea na hindi naging madali para sa kanya ang pagharap at paglaban sa mga pinagdaanang pagsubok. Pero ginawa raw niya ang lahat para hindi maapektuhan nang todo.

“To be honest po, talagang puro lang po ako church. I was just strengthening my relationship with God and naniniwala lang po ako sa kanya and yun lang po.

“When you seek God, you find peace. I found naman, I wasn’t really at peace, I had peace through Him,” aniya pa.

“And my family, solid naman po kami and my friends. Patuloy lang po, doing good lang and trabaho lang nang trabaho.

“It wasn’t easy, but it wasn’t really hard kasi buo naman po kasi yung faith ko. So, hindi ko siya sasabihing mahirap, hindi ko rin naman sasabihing madali siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May moments na mahirap pero at the end of the day babalik pa rin ako sa [tanong na] ‘Why I am here?’ babalik ako sa family ko, babalik ako sa mga pangarap ko in life, at babalik ako sa kanya (sa Panginoong Diyos),” lahad pa ni Andrea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending