Ara takot na takot sa stalker, pinutakti ng mga indecent proposal

Ara Mina takot na takot sa stalker, pinutakti ng mga indecent proposal

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Ara Mina takot na takot sa stalker, pinutakti ng mga indecent proposal

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 08:48 AM

Ara Mina takot na takot sa stalker, pinutakti ng mga indecent proposal

Ara Mina

SANDAMAKMAK na indecent proposal ang natanggap ni Ara Mina noong kasagsagan ng kasikatan niya bilang sexy star.

Mabenta ang seasoned actress sa mga D.O.M. o dirty old man pati na sa mga kabataang gusto siyang “matikman” kapalit ng malaking halaga o mamahaling mga bagay.

Kuwento ni Ara Mina sa “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast, bukod sa mga nakakalokang indecent proposal ay  nagkaroon din siya ng stalker noong nagsisimula pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Simulang kuwento ng sisteraka ni Cristine Reyes, nag-start siya sa showbiz sa edad na 14 at naging bahagi rin ng sikat na sikat noong youth-oriented show ng GMA 7 na “That’s Entertainment” ni German “Kuya Germs” Moreno.

Mas sumikat pa si Ara nang maging mainstay sa longest-running gag show sa bansa na “Bubble Gang” sa loob ng 10 taon. Kasunod nito ay nakilala bilang sexy comedian at award-winning dramatic actress.

Baka Bet Mo: Raymond Bagatsing naranasan na rin maging stalker: Pero I’m very mahiyain, so tumitingin-tingin lang ako sa kanya

Kuwento pa ni Ara kay Pia Arcangel, apat ang naging screen name niya noon, ang tatlo pa ay Danica Gomez, Dara Mina at Ara Mina Reyes.

Habang lumalaki ang kanyang pangalan sa showbiz nangamba raw siya para sa kanyang seguridad at kaligtasan, lalo na nang magkaroon siya noon ng stalker.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ara Mina Almarinez (@therealaramina)


“I remember nagkaroon lang ako ng stalker. Nagkaroon ako ng mga suitors na, as in talagang mga…I admit na mayroong mga indecent proposal na nakakatakot,” pagbabahagi ng premyadong aktres.

May pagkakataon pa raw na nakikipag-usap sa kanyang manager ang ilan sa mga stalker niya para personal siyang makita at makasama.

“Inaway ng manager ko, kasi ‘di ba parang may mga weird eh. Parang feeling nila kaya nilang bilhin lahat,” sey pa ni Ara.

Baka Bet Mo: Ara Mina ibinuking ang tunay na relasyon nina Coco Martin, Julia Montes: ‘I’m happy for him dahil open na sila…’

“Wala pa naman social media nun, so it’s really hard for the guy to connect kung hindi mo talaga mami-meet,” dugtong pa ni Ara Mina.

Takot din daw si Ara na sumagot sa mga tumatawag sa kanya sa telepono, “Kapag kunwari na-encounter ko na na-meet at tapos parang iba ‘yung ano niya dating, umiiwas na ako and may mga bantay ako.”

Sa ngayon, super happy na si Ara sa piling ng kanyang asawang si Dave Almarinez na President at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lang ay nagmarka si Ara sa GMA limited series na “Lovers/Liars” na pinagbidahan ni Claudine Barretto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending