Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi | Bandera

Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi

Ervin Santiago |December 18,2022
facebook
share this

Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 12:32 PM

Joseph Marco type matikman ng mayayamang beki; handa nang tumodo sa pagpapaseksi

Joseph Marco

DAHIL sa pagiging hunk actor na game na game magpakita ng kanyang hubad na katawan sa harap ng mga camera, may  natatanggap ding indecent proposals si Joseph Marco.

Karamihan nga sa mga ito ay galing sa gay community na type siyang makasama at makapiling kapalit ng mga bonggang-bonggang offer na talaga namang mapag-iisip ka kung tatanggapin mo ba o hindi.

Pero sabi ni Joseph, bihira lang naman daw itong mangyari at kadalasan ay hindi na lang niya pinapansin ang mga nag-aalok sa kanya.

“For example, if people message you on Instagram and they see your work, it’s like they respect you.

“Like they see that ‘okay, this guy is a decent person,’ so I rarely get those kind of proposals,” pahayag ng Kapamilya actor grand media launch ng bago niyang endorsement na Hanford.

Sey ni Joseph, nasanay na rin daw siya sa mga indecent proposal mula sa mayayamang beki at naiintindihan din niya ang pinanggagalingan ng mga ito.

In fairness, talagang maraming bading ang nagpapantasya kay Joseph pero sorry na lang sa lahat ng gustong maka-score sa kanya kahit isang gabi lang dahil mukhang hindi game ang aktor sa ganitong kalakaran.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Samantala, first underwear endorsement ni Joseph ang Hanford, “Finally, pinayagan na ako ng parents ko to do underwear endorsement! Ha-hahaha!”

Feeling blessed ang binata sa pagdating ng nasabing project sa kanya bago matapos ang 2022, “I’m so excited kasi I feel like this is the perfect time to do an underwear endorsement.”

Ngayong nakabalandra na ang hubad niyang katawan na makikita sa mga naglalakihang billboard sa pangunahing lansangan sa Metro Manila at ilang probinsya, willing na ba siya sa mas palaban at mas daring na roles?

“Now, I’m not fearless now. Bring it on,” ang matapang na sabi ng binata.

Wala rin daw issue sa kanyang Russian model girlfriend na si  Dasha Romanova kung tumodo man siya sa pagpapaseksi at paghuhubad sa mga next acting projects niya sa TV at pelikula.

Napaka-supportive raw talaga ni Dasha sa kanyang career at hindi rin selosa, “And I guess you know, if you have blue eyes, and then, I look like that, bakit magseselos ka? You know, she’s a living doll.”

Naganap ang contract signing ni Joseph para sa Hanford kamakailan kung saan present ang head ng Star Magic na si Laurenti Dyogi with Mansfield executives Victor Te, President, Ms. Sincerely Te – Vice President, Sheena Anne Te, Executive Vice President, at Ma. Theresa Benedicto, Sales and Marketing Manager.

Bakit nga ba si Joseph ang napili ng Mansfield bilang bago nilang celebrity ambassador, sagot ni Ms. Theresa, “Joseph who stands out with his awesome good looks, embodies the qualities of a Hanford man who is healthy, physically fit and a well-rounded person.”

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Joseph Marco hubo’t hubad sa 33rd b-day; 2 music video ni Jayda pasok sa Int’l Film Festival Manhattan 2021

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

David, Edgar nakatanggap na ng indecent proposals; EA inalok ng P100k kapalit ng ‘eyeball’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending