Lauren Dyogi nanawagan sa fans ng BINI, respetuhin ang privacy
NAKIUSAP ang Star Magic Head na si Direk Lauren Dyogi sa publiko na sana ay irespeto ang privacy ng namamayagpag na nation’s Ppop girl group na BINI na binubuo nina Aiah, Mikha, Colet, Sheena, Gwen, Stacey, Jhoana, at Maloi.
Sa latest Facebook post ng grupo nitong Huwebes, mapapanood ang Star Magic Head na nanawagan na sana’y bigyan rin ng paggalang ang personal na buhay ng mga dalaga at ang kanilang personal space.
“Nakikiusap po ako, personally as part of the BINI team, na sana po ‘pag ang ating mga miyembro ay nasa kanilang…spending their personal time especially with their families and friends, to please also show respect to their privacy and personal space,” saad ni Direk Lauren.
Sunud-sunod kasi ang mga naglalabasang balita at insidente kung saan makikitang ang mga BINI girls ay nabubulabog habang ito ay nakikipag-bonding sa kanilang pamilya at mga kaibigan in public.
Baka Bet Mo: Lauren Dyogi nanawagang maibalik ang standee ni BINI Sheena
View this post on Instagram
“Tao rin po sila. Kailangan din po nilang makisalamuha sa ibang tao. At nakiusap po ako sa mga Blooms at sa mga iba pa pong supporter nila, alam ko excited kayong makita sila,” dagdag pa ni Direk Lauren.
Sana raw ay alalahanin ng mga fans na kailangan rin magpahinga at mag-unwind ng mga ito dahil sa naging hectic schedule ng mga ito sa nagdaang mga buwan at mas magiging busy pa ang mga ito sa mga susunod na araw.
“But please remember na sila po ay nanggagaling din po sa very hectic schedule these past few months and more hectic schedule,” sey pa ni Direk Lauren.
Mattandaang katatapos lamang ng 3-day concert ng BINI na pinamagatang “BINIverse” na ginanap noong June 28-30 sa New Frontier Theater.
Samatala, kumalat naman sa social media ang mga videos kung saan makikita ang pamumulabog ng ibang mga fans habang kumakain si BINI Maloi sa isang restaurant sa Batangas at ang pagsunggab ng lalakikay BINI Aiah sa loob ng isang bar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.