Lauren Dyogi nanawagang maibalik ang standee ni BINI Sheena

Lauren Dyogi nanawagang maibalik ang standee ni BINI Sheena

Therese Arceo - June 21, 2024 - 01:21 PM

Lauren Dyogi nanawagang maibalik ang standee ni BINI Sheena

NAKIUSAP ang Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi sa madlang pipol na ibalik ang nawawalang standee ng isa sa miyembro ng nation’s Ppop group BINI na si Sheena Catacutan.

Sa Instagram reel na ibinahagi ng Star Magic nitong Huwebes, June 20, isang campaign ang inilunsad ng isa sa mga bossing sa ABS-CBN na may hashtag “#SheenaHanapHanapKita” para muling makuha ang nawawalang standee.

“#BINI: Huwag muna tayong umuwi BLOOM, at sama sama nating hanapin ang nawawalang standee ni Sheena! Ilabas na ang inyong mga [emoji] detective skills dahil we can’t feel good kung hindi #WaloHanggangDulo ang ating BINI standees! [emoji],” saad sa caption ng IG reel ni Direk Lauren.

Base rin sa caption ay makatatanggap ng reward ang kung sino mang makapagbabalik ng standee ni Sheena.

Baka Bet Mo: BABALA: Pekeng Lauren Dyogi nambibiktima ng mga artista, manager

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa naturang video ay nagpasalamat si Direk Lauren sa lahat ng Blooms (tawag sa mga fans ng BINI) sa walang sawang suporta ng mga ito lalo na sa nagdaang third-anniversary celebration ng grupo na ginanap sa One Ayala Mall noong June 11.

“Hello, Blooms! I hope it’s a good day for all of you. Una-una, I’d like to thank you on behalf of the entire BINI and ABS-CBN Management for all the support you’ve been giving to the girls these past few events. Maraming maraming salamat po.

“They were very, very heartwarming events kasi ang dami-dami po talaga sumusuporta ngayon sa ating beloved girls sa BINI. Especially during the BINI Day, matutuwa kami na marami ang pumunta sa first Happy BINI Day celebration natin sa One Ayala,” pagbabahagi ni Direk Lauren.

Ngunit sa kabila ng pagiging successful ng naganap na event ay ibinahagi nito ang pagkakawala ng standee ni Sheena.

Chika ni Direk Lauren, “Pero kasama ng kasiyahan na yun, meron po kami na balitaan na hindi po magandang nangyari. Nabalitaan namin na—I hope hindi siya Bloom, pero malamang at sa malamang, e, Bloom itong taong to, dahil nandun sa BINI Hour—na medyo po tumangay sa isa nating standee.

“Pagka po, nawawala dito si Sheena. Ang sinasabi natin, sinasabi naman lagi ng mga Blooms, ‘walo hanggang dulo.’ Pito na lang po sila.”

Kaya naman nanawagan si Direk Lauren na sana ay maibalik sa kanila ang standee ni Sheena.

“Una-una, nakakalungkot kasi to know that isang Bloom ang puwedeng gumawa nito. Hindi maganda yung pagkukuha ka ng bagay na hindi sa inyo.

“At the same time, very important ito sa amin. Very important, not only figuratively because kailangan kumpleto sila, but because it happened on the anniversary day of BINI. Gusto namin na kumpleto talaga ang standees ng BINI so that all other Blooms can also enjoy it, have pictures with them,” pahayag ni Direk Lauren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin niya na mayroong magandang reward ang makapagsasauli ng naturang standee.
“Magkakaroon po ng magandang reward, isang surprise na reward sa mga darating na panahon. Magkakaroon ng special reward itong sino man na makakapagbalik sa amin ang standee ni Sheena.

“Kailangan po hindi kayo yung kumuha nun. So humingi po ako ng tulong sa iba pong mga Blooms natin na may alam, o puwede magturo, o puwede magdala pabalik dito sa ABS-CBN ni Sheena. So, puwede niyo pong ipagbigay alam sa amin yan kung paano kami, paano natin matutuntun ang nawawalang standee ni Sheena na yan.

“Sabi nga, walo hanggang dulo. So, pakitulungan niyo na po kami mahanap ang nawawalang standee ni Sheena. Hashtag #SheenaHanapHanapKita,” mahabang sey ni Direk Lauren.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending