Direk Lauren sa panawagang magdemanda ang BINI: Kalma lang po
PINAKAKALMA ng Star Magic Head na si Direk Lauren Dyogi ang mga fans na galit na galit sa mga nambabastos at nanghaharas sa mga miyembro ng BINI.
Hanggang ngayon ay marami ang nagre-react sa naging panawagan ng TV executive na respetuhin at igalang naman ang privacy at personal space ng mga miyembro ng grupong BINI.
Partikular na tinukoy ni Direk Lauren ang naranasan nina BINI Aiah at BINI Maloi habang nasa labas at ine-enjoy ang kanilang pamamahinga habang naka-rest sa kanilang mga trabaho.
Baka Bet Mo: Liza welcome pa rin sa ABS-CBN sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon; Lauren Dyogi may inamin tungkol sa GMA 7
“Some of our members who didn’t seem to enjoy their break from the very stressful three-night concert. They went to a public place because they wanted to unwind and to spend some time with their families but unfortunately naka-experience po sila ng hindi magaganda,” pahayag ni Direk Lauren.
“For Maloi, she went to a place where she was supposed to have dinner with her family pero hindi na niya po na-enjoy ‘yung dinner na ‘yun.
“Dahil people were so excited to see her so they asked for pictures and really disrupting the dinner that was supposed to be spent with the family.
“Aiah also had a not-so-nice experience in Cebu where may isang lalaki, may isang fan who got excited, nilapitan siya in a way that’s very improper.
View this post on Instagram
“This is really a violation of the Safe Spaces Act for Women and this behavior can constitute sexual harassment in a public space so ‘yun po, I am appealing to everyone to please respect the personal space and the privacy of BINI,” paalala pa ni Direk Lauren.
Baka Bet Mo: Ginawa ng male fan kay BINI Aiah maituturing na sexual harassment
At dahil nga rito, maraming Blooms (tawag sa fans ng grupo) ang nanawagan na sampahan ng kaso ang mga taong nang-i-invade na ng privacy ng kanilang mga idolo.
Pero pakiusap ni Direk, “Blooms, Blooms, Blooms.To those demanding punishment, kalma lang po tayo. Only the aggrieved party can file a case. We cannot do so on their behalf.”
“Please show the same respect you all demand by giving the girls breathing space and time to think things through. Toxicity check po tayong lahat,” aniya pa.
Narito naman ang ilang comments ng ating nga ka-BANDERA hinggil sa usaping ito.
“Ngayun na sikat na sila todo defend na ng Star Magic, pero nung hinde pa, hinahayaan lang maghandout ng mga flyers sa kalsada sa gitna pa ng mainit na araw.”
“Mas mahalaga kasi yung BG nila dati, mas pinagtutuunan ng pansin, kasi special.”
‘Now sikat na sila at mapagkakakitaan na kaya princess treatment na. Ganyan naman ang mundo ng entertainment. Kahit sino naman as long as may value na sya.”
“Sa status nila now better sa private restaurant o exclusive places na mag pupunta. Kong ayaw ninyo nang dinadagsa nang tao. Once sikat na sikat ka Expected muna agad na once sa mall ka pumunta andoon mga nakakakilala sa inyo or public places na maraming tao na kilala kayo. Pero maraming famous celeb naman na di naging issue yong ganitong bagay. Grateful pa sila sa fans nila lalo na ramdam nila yong support nila.”
“Promote pa more. ipa police blotter nyo. para lang pag usapan. alams na dis. mgr nila si dyogi.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.