Toni Fowler pinaaresto dahil sa kasong kriminal na isinampa ng KSMBP
ISANG warrant of arrest ang ipinadala ng Pasay City Court para arestuhin ang social media personality na si Toni Fowler ngayong Biyernes, January 19.
Ang pagpapaaresto sa vlogger ay kaugnay sa kasong isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas dahil sa umano’y paglabag nito sa freedom of expression dahil sa “obscene” o mahalay na music video ng kanyang kantang “MPL”.
Matatandaang noong September 2023 nang sampahan si Toni ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code, in relation to Section 6 ng Republic Act 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Nagrekomenda naman ang korte ng P120,000 bilang piyansa.
Ayon naman sa report ng ABS-CBN, agad na nakapagpiyansa s Toni para sa pansamantala nitong kalayaan ilang oras matapos siyang maaresto.
Baka Bet Mo: Toni Fowler pumalag sa kasong kriminal na isinampa ng KSMBPI: Wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako
View this post on Instagram
Matatandaang una na ring pinabulaanan ni Toni ang mga paratang na ibinabato sa kanya ng KSMBP.
Pinanindigan rin ng vlogger na wala siyang nilalabag na kahit anumang batas.
Sey ni Toni, “Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media.
“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t kriminal ang ikinakaso ninyo laban sa akin. Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling.
Baka Bet Mo: Toni Fowler tinalakan si Tito Vince matapos mapikon sa kanyang baby girl: Hindi mo anak si Tyronia!
“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili.
“Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao.
“Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko – akin ito at hindi sa inyo.”
Ayon pa kay Toni, walang karapatan ang KSMBPI na pagbawaln siya at diktahan kung ano ang dapat niyang gawin.
“Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko — gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap.
“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae.”
Sa ngayon ay wala pang pahayag na inilalabas si Toni hinggil sa pagkakatanggap ng warrant of arrest.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampong sangkot sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.