Toni Fowler tinalakan si Tito Vince matapos mapikon sa kanyang baby girl: Hindi mo anak si Tyronia! | Bandera

Toni Fowler tinalakan si Tito Vince matapos mapikon sa kanyang baby girl: Hindi mo anak si Tyronia!

Therese Arceo |October 31,2023
facebook
share this

Toni Fowler tinalakan si Tito Vince matapos mapikon sa kanyang baby girl: Hindi mo anak si Tyronia!

Therese Arceo - October 31, 2023 - 08:01 PM

Toni Fowler tinalakan si Tito Vince matapos mapikon sa kanyang baby girl: Hindi mo anak si Tyronia!

DIRETSAHANG pinagsabihan ng social media personality na si Toni Fowler ang kanyang dyowa na si Vince Flores o mas kilala bilang Tito Vince sa naging asal nito sa kanyang anak na si Tyronia.

Sa vlog na ibinahagi ng vlogger sa kanyang YouTube channel noong Sabado, October 28, kinimpronta niya ang kasintahan matapos itong “mapikon” sa anak.

Unang beses raw na susunduin ni Toni si Tyronia mula sa school ngunit tila hindi ito naging magandang eksena sa kanilang tatlo.

Hindi kasi nila ma-contact agad si Tyronia kaya naman nang pauwi na sila ay pinangaralan na agad niya ang anak ukol sa hindi nito agad na pagsagot sa kanilang mga tawag.

“Tyronia, hindi ka na sumasagot ng tawag ah,” panimula ni Toni.

Sundot naman ni Tito Vince, “Anak, consistent ka nang ilang araw na hindi sumasagot sa mga calls ko. Napipikon na ako. Anak, hindi ka namin pinagbabawalang makipagkaibigan. Pero lagi kong itinuturo sa ‘yo, lagi mong sasabihin kung saan ka; lagi kang sasagot sa call para kung anong mangyari, alam namin kung saan ka pupuntahan.”

Baka Bet Mo: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal dahil sa 3 ‘malalaswang music video’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi naman nagustuhan ni Toni ang naging paraan ng pagsasalita ni Vince sa kanyang anak.

“Ngayon ko lang sinundo si Tyronia. Dapat masaya ‘yun. Pero sinira mo. Bakit? Kasi pinagagalitan mo. Anong sabi mo? Pikon na pikon ka na dahil hindi siya sumasagot ng tawag? Anong usapan natin, Vince? Ilang beses nating naging away ‘to? Ako ang disciplinarian kay Tyronia. Ano ka bata?

“Mapipikon ka sa bata? Bata ka rin? Pikon na pikon ka? Ilang beses tayong nag-usap na huwag mong gaganunin ang anak ko? Ilang beses tayo nag-usap? Gusto mo realtak-in kita? Hindi mo anak si Tyronia! Wala kang karaptan! Ilang taon kong pinaghirapan ‘yan kaya wala kang karapatan na sabihing pikon na pikon ka sa anak ko!” galit na sabi ni Toni.

Bagama’t naiintindihan raw niya si Vince, ayaw raw niyang dumating ang panahon na magmarka kay Tyronia ang kanyang ginawang panenermon dahil ayaw niyang magkaroon ng sama ng loob ang anak sa kanyang kinakasama.

Ayaw rin daw ni Toni na umabot sa puntong baka tutulan na ng kanyang anak ang relasyon nilang dalawa at wala siyang magagawa kundi hiwalayan ito.

Ipinaliwanag naman ni Vince ang kanyang side pero iginiit ng “Batang Quiapo” star na hindi pa rin tama ang ginawa nito sa anak at sinabing kung wala na siyang oras ay pwede naman niyang sabihin ang problema sa kanyang Ate Mari.

“Sinusumbong ko din kay Ate Mari pero wala na ring panahon masyado si Ate. Alam mo yan,” sey ni Vince kay Toni.

Humingi naman ng pasensya si Tito Vince sa pago-overstep niya bilang ama kay Tyronia. Mahal niya lang daw talaga ito at nag-aalala siya para dito.

Sa huli ay nag-usap si Vince at Tyronia at ipinaliwanag nito ang kanyang saloobin ukol sa nangyayari at kung bakit sila nagkasagutan ni Toni.

Humingi na rin ng tawad si Vince kay Tyronia.

“Ayoko lang ng may lalaking nagtataas sayo ng boses. Tatay mo o hindi, kahit si Aaron pa yan, sarili mong tatay, kung tataasan ka ng boses, ayoko ng ganon… Pinapatawad mo na ba si Vince?” sey ni Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Tyronia na ayaw niyang mag-break ang dalawa dahil ang naging daddy na raw para sa kanya ay si Vince at napamahal na rin ito sa kanya.

Related Chika:
Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending