Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa

Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?

Pauline del Rosario |July 27,2023
facebook
share this

Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?

Pauline del Rosario - July 27, 2023 - 05:26 PM

Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?

PHOTO: Instagram/@tonifowlerpo

BIRTHDAY na birthday, nadismaya ang YouTube vlogger na si Toni Fowler sa kanyang partner na si Vince Flores.

Ayon kasi kay Toni, hindi niya nagustuhan ang iniregalong printed Gucci bag ng dyowa.

Paliwanag ng vlogger, pakiramdam niya ay hindi ito pinag-isipan ni Vince at basta-basta lang na binili sa kanya.

Sa isang latest vlog, ibinandera ni Toni ang mga kaganapan sa kanyang simpleng birthday celebration na kung saan ay kasama niya ang kanyang buong pamilya at ilang malalapit na mga kaibigan.

Ipinakita rin sa video na isa-isang binuksan ng vlogger-actress ang mga inabot na regalo sa kanya, kabilang na ang mamahaling bag ni Vince.

Baka Bet Mo: Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko

Sa umpisa ay tila makikitang tuwang-tuwa si Toni sa regalo ni Vince, pero kalaunan ay napansin na nakasimangot na ang dalawa.

Ipinaliwanag naman ni Toni ang nangyari at umamin na dahil ito sa ibinigay na bag ng kanyang partner.

“Kasi nag-oopen ako sa kanya. Sabi ko sa kanya, parang hindi niya ako kilala. Sayang naman ‘yung pera. Ang mahal mahal ng bag tapos alam naman niya na hindi naman ako nagpi-printed, hindi ako nagra-round bag ng ganun,” chika ng vlogger.

Patuloy pa niya, “Sabi niya, gusto niya kumpletuhin ‘yung collection. Hindi naman ako nagko-collect ng mamahaling bag. Hindi nga ako ‘yun.”

“Parang sinasabi ko kasi sa kanya na – ‘nung unang birthday ko, nag-propose ka na manligaw tapos ‘nung sumunod parang nagbigay ng life insurance tapos ngayon parang wala lang sa kanya porket kami na. Parang ganun,” kwento pa ni Toni.

Dagdag niya,” Hindi naman ako nag-eexpect, pero siyempre a part of me nag-expect, ganun.”

Ayon kay Toni, diretsahan na niya itong sinabi kay Vince dahil gusto niyang maging honest sa kanyang partner.

“Kailangan kong maging honest sa’yo e kasi ayokong mabuhay tayo sa ‘ah thank you, ganyan’ na basta ma-appreciate ko nalang,” sambit ng aktres.

Aniya pa, “Though na-appreciate ko ‘yung effort, pero hindi kasi ako ‘yun. Nanghinayang lang ako sa pera mo. Sayang. Ang mahal mahal kaya ‘nun.”

“‘Diba ayoko ng ganun. Gusto ko ‘yung naisip mo ako, alam mong ako ‘yun,” giit pa niya.

Bagamat ramdam ang pagkalungkot ni Vince ay agad naman siyang bumawi sa kanyang dyowa.

Hindi ito bagay, pero isang tao na malapit at espesyal sa buhay ni Toni.

“Ayun nga guys, narinig niyo ‘yung mga sinabi sa akin ni dyowa kanina na hindi nga niya nagustuhan ang regalo ko. Well, meron akong ireregalo sa kanya ngayon,” sambit ni Vince sa vlog.

Paliwanag niya, “Meron akong pinapunta na tao kasi ilang araw na niyang sinasabi sa akin na namimiss niya ito at actually ilang araw na naming napag-uusapan ito.”

“Naging part nga naman siya ng buhay namin, lalo na sa part ni Toni at ni Tyronia,” aniya pa.

At ang makikita nga sa video na inimbitahan ni Vince ay ang dating partner ng aktres na si Rob Moya.

Nang magkita si Toni at Rob ay bigla silang nagyakapan, nagkamustahan at nagsabihan pa nga sila ng “I miss you” sa isa’t-isa.

Inamin din ni Rob na siya ay kasalukuyang single o walang dyowa.

Sey naman ni Vince sa Toro family dahil tila na-shock silang lahat sa pagpunta ni Rob, “Ako nga nag-invite kasi ilang araw na nga rin na nababanggit ni dyowa na napag-uusapan namin si Kuya Rob na namimiss niya.”

“Actually, nami-miss ko rin naman pero naging malaking part sa buhay ni Toni taka ni Tyronia tsaka ng buong Toro family kaya ‘nung sinabi ni dyowa na nami-miss niya edi ininvite ko na,” aniya pa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Toni Fowler binigay ang artista van sa pangalawang anak ni Papi Galang, netizens napa-‘sana all’ na lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending