Anak ni Toni Fowler na si Tyronia ayaw kausapin ang ama, naka-block: Ayokong ipilit kapag hindi pa dapat | Bandera

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia ayaw kausapin ang ama, naka-block: Ayokong ipilit kapag hindi pa dapat

Therese Arceo |October 07,2023
facebook
share this

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia ayaw kausapin ang ama, naka-block: Ayokong ipilit kapag hindi pa dapat

Therese Arceo - October 07, 2023 - 12:54 PM

 Anak ni Toni Fowler na si Tyronia ayaw kausapin ang ama, naka-block: Ayokong ipilit kapag hindi pa dapat

INAMIN ng social media influencer at artistang si Toni Fowler na hindi pa rin kinakausap ng kanyang anak na si Tyronia ang tatay nitong si Aron Manalo o mas kilala bilang si Tatay Elon.

Isang netizen kasi ang nagtanong sa kanya kung kumusta na ang estado ng relasyon ng mag-ama.

Maratandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama nang magdesisyon si Tatay Elon na umalis na sa poder ni Toni at bumukod.

Dinamdam ito ni Tyronia dahil pakiramdam daw ng bata ay iniwan siyang muli ng ama sa ikalawang pagkakataon.

Kaya naman may mga supporters sina Toni na curious kung nagkaayos na ba ang dalawa.

“Mommy Oni, nagcha-chat pa po ba si Ate Tyronia at Tatay Elon?” tanong ng netizen.

Baka Bet Mo: Anak ni Toni Fowler na si Tyronia umiyak, hiniling na si Tito Vince na lang ang ama

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinagot naman ito ni Toni sa pamamagitan ng isang TikTok video kung saan ibinandera niya ang naging pag-uusap nila ni Tatay Elon.

Aniya, nalaman niya lang ang latest update ukol sa mag-ama nang magkausap sila ni Elon at sinabihan nitong araw-arawin ang pagkausap kay Tyronia.

Kaya naman nagulat si Toni nang malaman na matagal na palang naka-block pala si Elon sa kanyang anak kaya hindi niya ito nakakausap.

“Nung isang araw ko lang yan nalaman, at ako, ayokong ipilit kapag hindi pa dapat. May karapatan si Tyronia na piliin kung sino ang mga gusto at ayaw niyang kausapin at nirerespeto ko ‘yun bilang tao. At kahit bata pa siya, may karapatan siya.

“I really hope na maging ayos rin ang lahat pero huwag tsyong mam-pressure,” sey ni Toni.

Sa kabila naman ng ginawang pagbukod ni Elon kasama ang bago nitong pamilya ay hindi naman ito nakakalimot sa obligasyon nito kay Tyronia na magbigay ng sustento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, nag-trending pa noon ang post ni Toni kung saan makikita sa screenshot na hinihingi ni Elon ang kanyang bank account para makapagpadala ng kanyang sustento sa anak.

Related Chika:
Toni Fowler nakatanggap ng P32-M worth ng life insurance mula sa dyowang vlogger

Toni Fowler nag-attitude, nag-walkout sa taping ng ‘Batang Quiapo’: ‘Hindi ko na talaga kaya Direk, tanggalin n’yo na lang ako!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending