Anak ni Toni Fowler na si Tyronia umiyak, hiniling na si Tito Vince na lang ang ama | Bandera

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia umiyak, hiniling na si Tito Vince na lang ang ama

Therese Arceo - June 24, 2023 - 03:16 PM

Anak ni Toni Fowler na si Tyronia umiyak, hiniling na si Tito Vince na lang ang ama

INAMIN ng social media personality na si Toni Fowler na masama ang loob ng kanyang anak na si Tyronia sa ama nitong si Aaron Manalo.

Ayon sa latest vlog na ibinahagi ng “FPJ’s Batang Quiapo” star ay sinabi ni Tyronia na sa kabila ng kanyang pagka-miss sa mga kapatid ay ayaw niyang makita ang ama.

Nagsimula kasing magtampo ang anak ni Toni sa kanyang Tatay Elon matapos magpasya ang huli na bumukod at umalis sa poder ng Toro Family.

Pakiramdam raw kasi ni Tyronia ay muli siyang iniwan ng ama kahit na maayos naman ang naging pamamaalam nito sa kanila.

Nakadagdag rin daw kasi sa tampo ng bata ang pagsasabi ng ama na pupunta sila sa Family Day ng Toro Family ngunit nag-cancel raw ito kila Toni.

“Gusto niyang makita ang mga kapatid niya. Whatever the reason is… ilang linggo na ang nakalipas biglang hindi na naman sila pwede. Kung hindi kayo pwede mag-adjust, so kung kailan na lang kami pwede. Ganoon na lang ulit next time,” saad ni Toni.

Ngunit bumawi naman ang ama ni Tyronia dahil sa bandang dulo ng vlog ay dumalaw ito sa bahay ng kapatid nitong si Mama Mari at kalaunan ay nagpunta rin ito sa condo dahil manganganak na raw si Papi.

Baka Bet Mo: Toni Fowler umaming ‘naadik’ sa pagpaparetoke: Hangga’t safe at kaya ng katawan…

Dito na nga nailabas ng vlogger ang mga hinanakit ng anak nito sa kanilang ama.

“Oras lang yan, magiging ayos rin ang lahat. Una talaga ayaw ka niyang makita, Tay. Ayaw daw niyang makita ka, kapatid lang niya. Sabi ko, ‘anak tumanggap ka ng pagmamahal… isang bagay na maipapangako ko sa ‘yo Tyronia, kung anong nararamdaman mo, hindi kita pipigilan’ sabi ko sa kanya kaya siguro siya ganyan,” sey ni Toni.

Sumang-ayon naman si Tatay Elon sa kanya at sinabing tama na hayaang maramdaman ni Tyronia kung anong pakiramdam niya sa nangyari.

Naikuwento rin ni Toni ang pag-iyak ng anak dahil raw sa Instagram story ng apat silang pamilya na may nakasulat na “my life” kaya inisip ng bata na echapwera siya ulit sa ama.

Gusto na rin daw ni Tyronia na magkaroon ng kapatid sa ina dahil pakiramdam niya ay mawawala sa kanya ang mga kapatid sa ama.

“Iyak siya nang iyak. ‘Sana ikaw na lang tatay ko para hindi ako iniwan. Huwag ko na kayang makita sila Yna, kaya ko naman na e’,” saad ni Toni sa mga sinabi ni Tyronia noong nag-breakdown ito dahil sa pagka-miss sa mga kapatid.

Nagpasalamat naman si Tatay Elon kay Tito Vince dahil sa nasa tabi ito palagi ng kanyang anak. Nangako naman ito na bibisitahin palagi tuwing weekends ang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Toni Fowler: Sinira ko ‘yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak

Toni Fowler handang bigyan ng bagong cellphone si Moira: Para makita mo ang tunay mong halaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending