Donny sa viral video nila ni Kathryn: 'Binabantayan namin isa't isa'

Donny sa viral video nila ni Kathryn: ‘Binabantayan namin ang isa’t isa’

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 08:45 AM

Donny sa viral video nila ni Kathryn: 'Binabantayan namin ang isa't isa'

Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan

NAG-EXPLAIN ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan tungkol sa pang-iintriga sa kanila ni Kathryn Bernardo matapos ang kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

May kumalat kasing video sa social media kung saan makikitang magkasama sina Kath at Donny na nilagyan ng malisya ng ilang netizens.

Kaya naman sa naganap na presscon kahapon ng bagong movie ni Donny, ang “Good Game” o “GG”, isa ito sa naitanong sa kanya.

Baka Bet Mo: Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Base sa napanood naming video clip, makikita si Kathryn na nagsasayaw kasama ang isa pang bisita sa reception ng wedding nina Robi at Maiqui. Kasunod nito biglang dumating si Donny at inalok ng drinks ang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At dahil nga rito, inisip ng mga netizens na may namamagitang “something” sa pagitan nina Donny at Kath. May ilan pa ngang bashers ang nagalit sa aktres at inakusahan siya ng kung anu-ano.

Paliwanag ni Donny, wala siyang ginagawang masama at ipinaalam niya sa publiko na magkaibigan sila ni Kathryn kasabay ng pakiusap na huwag nang lagyan ng kulay ang kumalat na video.

Baka Bet Mo: Melai kay Robi: ‘Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside…in pain’

“We had a great time. Lahat naman kami, friends sa showbiz, so binabantayan namin ang isa’t isa. ‘Yun lang ‘yun,” ang depensa ni Donny na mukhang hindi naman masyadong affected sa isyu.

Aniya pa, “I think for me, it’s just having peace of mind na friends kaming lahat and okay kami, enjoy namin ang trabaho namin, and that’s the most important thing.”

Samantala, dahil sa chikang ito, marami naman ang nagsabi na mukhang may chemistry din sina Kath at Donny kaya sana raw ay maisip ng ABS-CBN na pagsamahin sila sa isang project.

Komento nga ng isang netizen, “Bagay naman sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo. Anong problema ng DonBelle? Eh hindi naman sila trewww? Tsaka single sila pareho. Magkaiba ang napapanood niyo onscreen sa totoong buhay. Get over it. Kaloka trewww.”

Samantala, showing na sa January 24 sa mga sinehan nationwide ang “Good Game” mula sa Mediaworks (to be distributed by Star Cinema). Makakasama ni Donny dito ang kanyang inang si Maricel Laxa, Baron Geisler, Gold Aceron, Johannes Risler, Igi Boy Flores, Kaleb Ong, Ice Box, Boots Anson-Rodrigo at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa movie ang yumaong veteran actor na si Ronaldo Valdez. This is directed by Prime Cruz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending