Melai kay Robi: 'Nagpapakengkoy kay Maiqui, kahit deep inside...'

Melai kay Robi: ‘Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside…in pain’

Ervin Santiago |January 09,2024
facebook
share this

Melai kay Robi: ‘Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside…in pain’

Ervin Santiago - January 09, 2024 - 01:16 PM

Melai kay Robi: 'Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside...in pain'

Maiqui Pineda, Robi Domingo at Melai Cantiveros

AS usual, pak na pak na naman ang mensahe ni Melai Cantiveros sa bagong kasal na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Naganap ang wedding nina Robi at Maiqui nitong nagdaang Saturday, January 6, sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang TV host-comedienne ng nakakaaliw na wedding greeting para newlyweds kabilang na ang wish niya para sa mga ito sa pagpasok nila sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Congratulations and Best Wishes to the Couple of the hour, if u (you) question what hour, well don’t mind it cause I don’t have a mind, Char lang,” simulang pagbabahagi ni Melai.

Dugtong pa ng komedyana, “Congrats tlaga Robi ‘d’ sa gabi and Maiqui ganda dahil itu na kayu sa next chapter ng inyung life.”

Ayon pa kay Melai, bilib na bilib siya sa tapang ng mag-asawa dahil talagang inilalaban nila araw-araw ang kanilang pagmamahalan sa gitna ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan.

Baka Bet Mo: Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Kabilang na rito ang iniindang karamdaman ni Maqui na Dermatomyositis na isang, “rare autoimmune disease that causes muscle weakness, inflammation, and a skin rash.”

“Ang hirap ng pinagdaanan ninyu, mu @iamrobidomingo kita ko nagpapakenkoy ka kay maiqui, pinapakita mu na masaya ka kahit deep in side in pain , and dun kami bumilib sayu mga kaibigan mu,” lahad pa ni Melai sa kanyang mensahe para sa bagong kasal.

Tungkol naman sa idinaos na seremonya ng kasal, papuri ni Melai, “Grabe sobrang ganda ng wedding nyu and ang sayaaaaa ng wedding very smoooooth sa sobrang smooth sumubra na sa ‘O’ ang smooth ko, dahil ang saya lang. full of love and wedding and reception.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

“Muntik mn ako di maka attend but big shoout out to Papang na nagpaubaya for the special event of urs , sabi nya di pwede walang maka attend sa amin kahit isa on u very special event of ur life . Congrats once again Robi D and @maiqweeks more Babies to come sa inyu.

“Narealize ko ako pala yung bisita na di muna iinvite sa susunod na event kasi ang Ingay at mukhang mag tatake out pa ng handaan. sorry na sa ingay ko guys haaa peace!” aniya pa.

Sa isang video naman na ibinahagi ng Kapamilya star, mapapakinggan ang pagsigaw ni Melai, “Robi D! Robi D and Maiqui! Kiss! Kiss daw kiss! Wow!”

Baka Bet Mo: Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Nagkomento naman ang isa pang kaibigan ni Robi na si Luis Manzano sa picture ni Melai na kuha sa reception ng kasal kung saan may bitbit siyang dalawang baso ng drinks.

“Melai, tanong lang po, bakit dalawa dalawa hawak mo? Sana dispenser nalang dala mo ma’m,” biro ni Luis.

Reply naman ni Melai sa kanya “@luckymanzano hahahahhahahahaha kuya luuuuuu kay Mam @applesegubience yan nakakagil dn tu si Mam Apple.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan pa sa mga celebrities na dumalo sa wedding nina Robi at Maiqui ay ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Gary Valenciano, Joshua Garcia, Darren Espanto, Maymay Entrata, Bianca Gonzalez, AC Bonifacio, Donny Pangilinan, Edward Barber, Gab Valenciano, Janine Gutierrez at iba pa.

Ilan naman sa mga principal sponsors sa kasal ay sina dating Vice President Leni Robredo, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Piolo Pascual, ABS-CBN executives Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending