Heart ibinuking, si Marian ang unang nag-reach out sa kanya

Pambubuking ni Heart, si Marian ang unang nag-reach out para magkaayos sila

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Pambubuking ni Heart, si Marian ang unang nag-reach out para magkaayos sila

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 12:45 AM

Pambubuking ni Heart, si Marian ang unang nag-reach out para magkaayos sila

Marian Rivera at Heart Evangelista

MISMONG ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang gumawa ng paraan para magkausap at magkaayos sila ni Heart Evangelista.

Ito ang ichinika ng fashion icon nang matanong tungkol sa pagbabati nila ni Marian makalipas ang ilang taong hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Heart si Marian daw ang nag-reach out sa kanya para sila ay magkaayos at tuluyan nang tuldukan kung anuman ang namamagitang “something” sa pagitan nilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


Isang blessing kung ituring ni Heart ang panibagong yugto ng pagkakaibigan nila ng wifey ni Dingdong Dantes.

“I really do give credit to Marian. She really spoke to a lot of our common friends that she’d like to see me, ganyan,” sey ni Heart sa panayam ng “24 Oras” kagabi, November 28.

Baka Bet Mo: Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

Wish ng asawa ni Sen. Chiz Escudero, sana raw ay magkita na sila ni Marian nang personal. Aniya pa, “Parang magpapasalamat ka na lang na things were done and things were removed for the better. So, I think, for me, that’s all I need.”

Walang binanggit na pinangalanan ang Kapuso star kung sino ang tinutukoy niyang nawala sa buhay niya pero mukhang ang tinutukoy niya ay ang kanyang glam team noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Dagdag pa ni Heart sa naturang panayam, “Everything else, like, you know, people that I was friends with before, like for example Marian, you realize that it’s such trivial matters for it to be even be anything.

Baka Bet Mo: Sina Sarah at John Lloyd mismo ang napaplano para sa kanilang reunion project, Popsters abangers na

“Mas may ibang mas nakakasakit sa iyo na talagang kailangang tanggalin ni Lord. May iba na deserving. So I’m very, very happy that Marian and I are okay,” aniya pa.

“Can you imagine a lot of artists nakaka-cancel sila for something so little? Because yung expectation ng tao is ang taas-taas. ‘Ang perfect nila.’ It’s not like that at all.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I feel like I’m one of the brave ones to start. But yun siya, e. And I’m really appreciative na nagugustuhan ng tao at appreciative rin sila,” sey pa ni Heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending