Sina Sarah at John Lloyd mismo ang napaplano para sa kanilang reunion project, Popsters abangers na | Bandera

Sina Sarah at John Lloyd mismo ang napaplano para sa kanilang reunion project, Popsters abangers na

Ervin Santiago |June 11,2023
facebook
share this

Sina Sarah at John Lloyd mismo ang napaplano para sa kanilang reunion project, Popsters abangers na

Ervin Santiago - June 11, 2023 - 07:08 AM

Sina Sarah at John Lloyd mismo ang napaplano para sa kanilang reunion project, Popsters abangers na

Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz

MISMONG ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz pala ang talagang may gustong magkaroon sila ng reunion project.

In fairness, talagang na-excite nang bonggang-bongga ang mga fans nina Sarah G at Lloydie nang bumandera sa social media ang muling pagkikita ng dating magka-loveteam kasama ang mga executives ng Viva Films.

Mismong si Sarah ang nag-post sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni John Lloyd pero hindi naman nabanggit kung ano ang dahilan ng kanilang “reunion.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)


Kaya naman ngayon pa lang ay atat na atat na ang mga Popsters all over the universe sa bagong project na pagsasamahan ng kanilang idolo at ni John Lloyd.

Kinumpirma naman ng President and CEO ng Viva Entertainment na si Vincent Del Rosario III ang naganap na pagkikita nina Sarah at Lloydie pero wala pa siyang maibigay na detalye sa gagawing proyekto ng dalawa.

“I think both, both of them liked to work with each other again,” ang pahayag ni Boss Vincent sa ilang miyembro ng entertainment media sa naganap na presscon ng Vivamax kamakailan.

Baka Bet Mo: Bea sa reunion ng original Star Magic artists: ‘Hindi ko in-expect na malalasing ako, parang birthday party ko…ako ‘yung pinaka-nag-enjoy’

Aniya pa, naging venue lang ang Viva office sa pagkikita ng dalawang box-office stars.

“I think ‘yung dalawa are friends and in keeping in touch with each other. And then one day, sinabi sa amin ni Sarah na magmi-meet kami ni John Lloyd and hi-nost namin sa office,” dagdag chika pa ni Boss Vincent.

Nang matanong nga kung anu-anong detalye ang kanyang maibibigay niya tungkol sa reunion project nina Lloydie at Sarah, sagot ni Vincent, “It’s in early stages pa lang, sana matuloy ano, kasi kami rin wish namin na matuloy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)


At tulad ng loyal fans ng phenomenal loveteam, wish din ng Viva Entertainment executive na matuloy ang pinaplanong project ng dalawang movie icons.

“Sila ang nag-kokontakan tapos hi-nost lang namin sa opisina, So sana, sana matuloy,” aniya pa.

So, ang ibig sabihin, sina Lloydie at Sarah G ang mag-uusap sa tema at konsepto ng reunion project nila.

Unang nagsama noong 2008 sina Sarah at JLC sa pelikulang “A Very Special Love” na sinundan ng dalawang sequel nito, ang “You Changed My Life” noong 2009 at “It Takes A Man and A Woman” noong 2013.

Ang last movie naman na ginawa nila ay ang “Finally Found Someone” na ipinalabas noong 2017.

Kundisyon ni Juday sa reunion project nila ni Piolo: Kung puchi-puchi lang parang unfair…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending