Matandang walang respeto boldyak kay Xyriel: Marahil nabastos po ako…
MAAANGHANG ang mga salitang pinakawalan ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat laban sa matatandang hindi marunong rumespeto.
Palaban at matapang na naglabas ng saloobin ang “Senior High” star tungkol sa naging karanasan niya sa isang taong hindi niya pingalanan.
Pero kung babasahin at iitindihing mabuti, para ito sa mga taong tumatanda nang paurong at walang respeto sa kanilang kapwa.
Mukhang hindi napagbigyan ni Xyriel ang request o nais mangyari ng naturang indibidwal base sa ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram Story.
View this post on Instagram
“Let us all establish respect. Disappointing how elderly people, who we respect is very entitled. How they can put words into our mouth just because they didn’t get it their way,” ang simulang pagbabahagi ni Xyriel.
Pagpapatuloy pa ng ka-loveteam ni Elijah Canlas sa Kapamilya suspense-drama na “Senior High”, “Hinding hindi po ako hihindi ‘pag nag ask po kayo ng favor AS LONG AS maayos po yung approach ninyo at hindi po nakakabastos po.”
Baka Bet Mo: Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?
Ipinagdiinan pa ni Xyriel na wala siyang ginagawang masama sa kanyang kapwa at marunong siyang rumespeto kahit kanino, sa bata man o matanda.
“Hindi po ako maramot o umaayaw o humihindi nang walang rason. Marahil nabastos po ako o walang galang ho ang pag-approach ninyo,” sabi pa ni Xyriel.
Marami namang nagpahayag ng pakikisimpatya sa dalaga at nagsabing marami ring matatanda ngayon ang bastos at walang pakialam sa kanilang kapwa.
Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa isyu ni Xyriel na mababasa sa official Facebook page ng BANDERA.
“Hirap kontrololin iyong pag iisip ng tao, iyong you want respect but they want to judge of how you look.”
View this post on Instagram
“This is so true. As I observed mga matatanda pa ung mga bastos, mga mapanghusta at mapanglait. Meron pa nga ang lutong magmura sa mga comment na parang walang pinagkatandaan. Sad to say. This is the reality now.”
Baka Bet Mo: Xyriel Manabat mas bet ang ‘flat-chested’, hirit sa bodyshamers: Bakit ako ang mag-a-adjust?!
“Tumatanda sila nang paurong.”
“It’s 2024. Baguhin Ang mindset. Kaya nawawala confidence ng mga tao dahil sa ganyang klase ng pag uutak na Meron Ang karamihan.”
“Pag mabuti Kang tao pangit o maganda Ang approach okey lang Kasi may balik lahat sa iyo iyan.”
“Tama nman, ndi porke nakakatanda ka at bata cla d na cla ka resperespeto.”
“Maganda, matalino at mabait ka xyriel hayaan mo na yong mga tao na inilagay ang utak nila sa puwet.”
“Respito ang gusto mo? abay Ayusin mo pananamit mo , para k narin hubad sa itsura mo tapos mggalit ka! dios mio pirdon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.