John inis na inis sa mga youngstar na hindi marunong rumespeto | Bandera

John inis na inis sa mga youngstar na hindi marunong rumespeto

Ervin Santiago - December 29, 2020 - 11:57 AM

“RESPETO lang.”

Yan ang hugot ng Kapuso actor na si John Estrada sa mga youngstars ngayon na kung umusta ay parang mga superstar na gayung wala pa namang napatutunayan sa mundo ng showbiz.

Sa bagong vlog entry ni Carmina Villaroel sa YouTube kasama ang mga co-stars niya sa upcoming Kapuso series na “Babawiin Ko Ang Lahat” na sina John at Tanya Garcia, napag-usapan nila ang tungkol dito.

Nagkakaisa ang tatlong celebrities na ibang-iba na ang ugali at pananaw ng ilang batang artista ngayon kung ikukumpara sa kinagisnan nilang buhay sa showbiz.

Diretsahang sabi ni John, “Isa sa mga kinaiinisan ko sa industriya ‘yung, hindi naman tayo nagpapa-(star), pero naiinis ako doon sa mga batang wala pa man, e, parang hindi ka man lang marunong batiin. Alam mo ‘yung mga ganu’n, di ba?”

Sinang-ayunan ito ni Carmina, aniya, kahit na nga isa ka nang superstar dapat ka pa ring magbigay-galang at sa mga senior star na nakakatrabaho at nakikilala mo.

“You always introduce yourself. Don’t assume that people know you. Even if you are a superstar, kahit ganito ka na, kung senior stars, e, kung hindi ka naman niya pinapanood magpakilala ka pa rin, because it’s a sign of respect,” diin ni Carmina.

Tinanong naman ni Mina si John kung may pagkakataon na bang may mga kabataang artista na dedma o hindi man lang nagbigay-galang sa kanya.

“Marami na, marami din. Wala na din sila,” ang mabilis na sagot ng aktor na ang ibig sabihin ay hindi na aktibo o nalaos agad ang mga ito.

Para naman sa Kapuso actress na si Tanya, imposibleng hindi makilala ng mga youngstar ngayon ang kanilang mga katrabaho.

“Actually, ngayon nga, itong mga bago parang mas… di ba, before parang always on your own. Parang ngayon, ang dami mong glam team, may road manager, may personal assistant pang kasama.

“Dati, di ba, kapag costumes mo, lahat ikaw lang. So, parang dapat mas aware sila ngayon sa ganu’n.

“Kasi, honestly, when I started I didn’t know that, na mayroon kang responsibility to your co-actors, co-workers, and to the viewers.

“When I started, feeling ko work lang and then, uwi na. With the stars ngayon, everything around them, surrounding them, imposibleng hindi mo alam kasi alam din nila ‘yan, e. Yung glam team mo, nakakatrabaho rin nila ‘yan,” paliwanag ni Tanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling hirit naman ni Carmina Villarroel, “So bottomline, respect to everyone and all, whether you are a superstar ganyan–basta be kind! Wala naman masama if you are going to be kind.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending