Marian, Dingdong napaiyak nang mag-cinema tour sa Pampanga

Marian, Dingdong napaiyak nang mag-cinema tour sa Pampanga, anyare?

Ervin Santiago |December 31,2023
facebook
share this

Marian, Dingdong napaiyak nang mag-cinema tour sa Pampanga, anyare?

Ervin Santiago - December 31, 2023 - 01:25 PM

Marian, Dingdong napaiyak nang mag-cinema tour sa Pampanga, anyare?

Marian Rivera at Dingdong Dantes

SUPER cry talaga si Marian Rivera at maluha-luha rin si Dingdong Dantes nang mag-cinema tour sila nitong nagdaang Biyernes, December 29.

Ito’y para pa rin sa Metro Manila Film Festival 2023 entry nilang “Rewind” mula sa Star Cinema, na idinirek ni Mae Alviar-Cruz.

Grabe naman kasi ang naging pagtanggap sa Kapuso celebrity couple ng kanilang mga tagahanga at ng mga taga-Pampanga na nanood sa kanilang pelikula.

Napanood namin ang isang video na ipinost ng Star Cinema sa kanilang official social media account, kung saan makikita ang napakakapal na tao sa loob ng isang shopping mall.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)


“KAYO NAMAN ANG NAGPAIYAK SA DONGYAN! Ibang klase kayo magpakita ng greatest love!

“Sana’y sama-sama rin kayo ng inyong greatest love na manood o mag-REWIND ng panonood ng #RewindMMFF sa pagsalubong natin sa 2024!” ang caption ng Star Cinema sa kanilang Instagram post.

Mula sa baba ng building hanggang sa itaas na bahagi nito ay punumpuno ng mga tao na talagang nag-abang sa pagdating nina Marian at Dingdong para personal na magpasalamat sa mga nanonood ng “Rewind.”

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo ipinagpaliban muna ang concert sa Pampanga, anyare?

Makikita sa naturang video ang DongYan na magkayakap habang kumakaway sa kanilang mga tagasuporta. Dito nga naging emosyonal ang mag-asawa at hindi na napigilan ang maiyak.

Maririnig din sa video ang napakalakas na sigawan at palakpakan ang mga nasa mall habang bumabati sina Marian at Dingdong na nasa escalator sa tapat ng sinehan.

“Merry Christmas, SM Pampanga!” pagbati ni Dong sa lahat ng sumugod sa kanilang mall tour habang tumutugtog ang official soundtrack ng kanilang pelikula na “Sa Susunod na Habang Buhay” ng Ben&Ben.

Bukod dito, nag-share rin ng ilang litrato ang Star Cinema ng mga naging kaganapan sa theater tour ng mag-asawa.

“DAMANG DAMA NAMIN ANG GREATEST LOVE NIYO, PAMPANGA!  Maraming salamat sa patuloy niyong suporta at pagmamahal sa #RewindMMFF!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“DAY 5 na at parami na nang parami ang nakararanas ng #TheRewindEffect!” ang nakasaad na caption sa naturang post.

Baka Bet Mo: Ellen Adarna ibinunyag ang dahilan kung bakit ayaw magpa-house tour

Sa kanyang IG page, nagpasalamat uli si Marian sa lahat ng sumuporta sa movie nila ng asawa, “Payakap Pampanga. Salamat sa pagmamahal. #therewindeffect #rewindmmff.”

“Salamat, Lods! #TheRewindEffect #rewindmmff2023parade,” ang mensahe naman ni Dingdong sa ipinost niyang video at photo sa IG.

Samantala, nag-comment din ang direktor sa pelikula na si Mae Cruz Alviar sa post ni Dingdong, “To God be the glory!!!”

Sa panayam ng press kay Marian nasabi niya na matagal na niyang gustong makagawa ng pelikula sa Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit nu’ng mga draft yung pinapanood namin, tapos pinapanood nila sa’kin. Sinasabi ko kay Dong, ‘Dad totoo ba to?’ kasi hindi nag sisink in sa’kin na ito na ba yun? Nakakaproud na nakagawa ako ng isang pangarap kong pelikula,” sey ni Marian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending