DongYan hinintay ng Star Cinema para sa ‘Rewind’: ‘Sila ang first choice’
HININTAY talaga ng Star Cinema at ABS-CBN Productions ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa pelikulang “Rewind.”
Isa ito sa 10 official entry para sa Metro Manila Film Festival 2023 mula sa direksyon ni Mae Alviar-Cruz na mapapanood na sa simula sa Pasko, December 25.
Ayon sa scriptwriter ng movie sa na si Enrico Santos nakausap na ng Star Cinema ang celebrity couple tungkol sa “Rewind” noon pang 2019.
Sa naganap na mediacon ng pelikula kagabi, December 4, ipinaliwanag ni Enrico kung paano nagsimula ang pakikipag-usap nila sa DongYan para sa nasabing proyekto.
Baka Bet Mo: Celebs, fans abangers na sa reunion movie ng DongYan; Marian perfect role model…’walang bisyo, malinis ang image’
“Siyempre, Star Cinema, sabi, ‘We’re dreaming of a DongYan movie. Puwede ba tayo gumawa ng kuwento?’ When we pitched it separately to Dingdong and Marian, parang nagustuhan. Pero siyempre poker face. Kinakabahan kami.
View this post on Instagram
“Then, Marian naman, napangilid ko ang luha, pero di sumagot kung nagustuhan niya. So, we were wondering. Sabi nila, gusto nila. But nag-pandemic, willing to be wait daw ba kami?
“We had a long discussion. Siyempre, first choice, only choice natin, sinulat natin para sa kanila. Kapag ba ganu’n ka-swak ang materyal, hihintayin ba natin o magpaplano na tayo ng iba?” paliwanag ng dating TV executive.
Dagdag pa niya, “The uninanimous decision was no one else can do it but Dingdong and Marian. No one else can give life to the role that was made specifically for them.
“In fact, ang totoo niyan, iniisip ko sila habang isinusulat. What would Marian have reacted? What would Dingdong have said? In my mind, ha?
“Hindi ko naman alam kung ano ang totoo niyong buhay, ha. Sana hindi. Pero in my mind, kung sila ang pagtatagasin ko, yun ang iniisip ko,” sabi pa niya.
Hindi raw niya talaga kilala ang DongYan on a personal level, “Siyempre nasa GMA sila, so hindi ko masyado nakakachismisan. But Dong and Marian is a legendary couple. They’re open-hearted about their marriage and their relationship.
Baka Bet Mo: Dennis saksi sa tunay na pag-iibigan ng DongYan; mga lihim ni Mahal ibubuking sa ‘TBATS’
“What we admire is it’s truly strong, loyal and long-lasting. What will challenge this relationship and make the audience feel that this is stronger after the movie? That’s it. Lumabas,” lahad pa niya.
View this post on Instagram
Samantala, ipinagmalaki naman nina Marian at Dingdong ang kalidad ng kanilang reunion movie kung saan gaganap sila bilang married couple na sina Mary at John na dadaan sa iba’t ibang klase ng pagsubok.
Matapos mapanood ang full trailer ng kanilang movie, ang naging reaksyon ni Marian, “Dad, totoo ba ‘to? Hindi nagsi-sink in sa akin. Nakaka-proud na nakagawa ako ng isang pangarap kong pelikula.
“Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko na gumawa ako sa Star Cinema at andito ako ngayon sa ABS-CBN to promote this movie.
“So, I’m very blessed, and very excited kami i-share sa inyo ang trailer. Trailer pa lang masasapul na kayo,” aniya pa.
Pagsang-ayon ni Dingdong, “Napakatagal na namin inantay ang pagkakataon na ito na mai-share sa inyo. Sana buong pelikula na, pero wag muna. Antayin natin yung showing.
“Pero ito muna pagbungad. Snippets ng aming pelikula na proud na proud kami ihandog sa inyo,” dugtong pa ni Dong na nakagawa na ng ilang movies under Star Cinema, kabilang na ang “One More Try” (2012), “Seven Sundays” (2017) “She’s The One” (2013).
Si Marian naman ay bumida sa “Kung Fu Divas” ng Star Cinema na ipinalabas noong 2013, pero ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng heavy drama para sa ABS-CBN’s film company.
Sey ni Marian, bukod sa script at sa direktor, bumilib din siya sa kanyang mga co-stars sa movie kabilang na sina Joross Gamboa, Pamu Pamurada, Via Antonio, Pepe Herrera at Ariel Ureta.
“Yun ang palagi kong goal, e. Every time na gagawa ako ng proyekto, gusto ko nagiging kapamilya ko sila, and nangyari yan dito. Bonus pa with Direk Mae Alviar Cruz, tapos kasama ko pa si Dong. Lubos biyaya talaga na pinagkaloob sa akin ito.
“Sa ikinukuwento ni Dong sa akin sa mga experience niya (sa Star Cinema) sabi ko, ‘Dad, at least ngayon alam ko na ang pakiramdam!'” sabi ni Marian.
“Nahigitan pa yung experience ko. Ay, ang saya! May susunod uli!” hirit pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.