Celebs, fans abangers na sa reunion movie ng DongYan; Marian perfect role model…’walang bisyo, malinis ang image’
NAGPIYESTA ang mga fans and social media supporters ng Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Yan ay matapos bumandera kagabi ang balitang matutuloy na ang reunion movie ng DongYan na may titulong “Rewind” na ididirek ni Mae Cruz-Alviar.
“An exciting project is in the making, and this time, I have the pleasure of working alongside my amazing wife!
“After more than a decade, the wait is finally over as we announce our upcoming film ‘REWIND,’ directed by Mae Cruz-Alviar.
View this post on Instagram
“This masterpiece, created by Enrico Santos and Joel Mercado, holds a special place in our hearts, and we can’t wait to share it with all of you.
“Thanks to the incredible partners from @starcinema and @aptentertainment.ph, this long-awaited collaboration is becoming a reality!
“Stay tuned for an unforgettable cinematic experience coming soon to theaters!” ang kabuuang caption ni Dingdong sa kanyang Instagram post.
“Congratulations @dongdantes and @marianrivera!!” ang comment ni Bianca Gonzalez sa IG post ni Dong.
Sey ni Alfred Vargas, “Nice! Congrats brother!”
Mensahe naman ni Say Alonzo, “I am excited for this @marianrivera @dongdantes.”
Narito ang ilan pang reaksyon ng mga loyal DongYan fans na matagal nang naghihintay na muling mapanood sa big screen ang mag-asawa.
“Amazing!!! Congrats #DongYan. Finally!!”
“Yayyyy!!! exciting new project for you and Marian and with our fave @maecruzalviar no less.”
View this post on Instagram
“Excited napo kame yieeee sa wakas.”
“So so excited for this!!! #Rewind Congratulations Dongyan.”
“Super excited na po. Rewind. New Movie Alert! Dongyan.”
“Yes SA wakas very excited n kmi mpanood kyo SA bigscreen. sobrang miss n nmin kyo dongyan. let’s G n tyo mga Ka dongyan.”
Samantala, tuloy pa rin ang pagdami ng mga endorsement ngayon ni Marian, patunay lamang na epektib pa rin siyang celebrity endorser. Bukod pa nga riyan ang pagre-renew sa halos lahat ng kanyang tinutulungang kumpanya.
Sa ngayon, siyam na taon nang celebrity endorser ng Nailandia si Marian, ayon sa may-ari nitong si Noreen Divina. Kaya naman talagang nagpapasalamat sila sa aktres.
Kuwento ni Miss Noreen, nakilala niya ang wifey ni Dong, “Through a franchisee. Kasi bank manager siya ng BDO and then doon yung account ni Rams (David, dating manager ni Yanyan).”
“So, sabi niya kilala ko yung manager ni Marian, bakit hindi tayo mag-Marian Rivera, Ms. Noreen,’ sabi niyang ganu’n.
“Sabi ko, ‘Naku baka hindi natin kayanin, ang mahal!’
“Sabi niya, ‘Hindi, basta kausapin mo lang si Rams.’ Ayun sa awa ng Diyos, nagkaayos naman kami and the rest is history,” aniya.
Aminado si Noreen na nakilala nang husto ang nail salon at foot spa chain na pag-aari nila ng mister niyang si Juncynth Divina mula noong naging endorser nila si Marian simula noong taong 2014.
Paglalarawan pa niya sa aktres, “Napakabait! To think na nandu’n na siya sa stature na Marian Rivera, di ba? Napakabait. Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?
“Parang ganu’n. Ang bait-bait niya, napaka-down-to-earth. At napakaganda!
“Nu’ng na-meet ko siya may show siya sa GMA, yung ‘Marian’, ay naku, naka-tank top, dyusko ganyan lang yung waist, napakaliit, grabe!” sey pa niya.
Pagpapatuloy pa niya, “Actually yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business. Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship.”
“Nakilala nang husto ang aming nail salon dahil sa kanya, napaka-effective niyang endorser, wala akong masabi. And kasi naman di ba, sa mga fans pa lang niya, sobra, grabe!
“Tapos napaka-perfect niyang role model – good wife, good mother, good daughter, good apo, good friend, ideal na celebrity, walang bisyo, malinis ang image. Complete package!” sabi pa ni Miss Noreen.
Last May 26, muling nag-renew ng kontrata si Marian bilang nag-iisang celebrity endorser ng nail salon and foot spa business ni Noreen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.