‘Ilusyon’ ng mga K-drama fans binasag ng ‘All Of Us Are Dead’ Pinay actress: Walang oppa sa real life
BINASAG ng Filipina actress na si Noreen Joyce Guerra ang “ilusyon” at pangarap ng ilang kapwa Pinoy na nangangarap ma-meet nang personal ang kanilang mga hinahangaang “oppa” sa South Korea.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Noreen ang Pinay na palaging nakakasama sa mga Korean drama bilang “extra”, kabilang na nga riyan ang hit Netflix series na “All Of Us Are Dead.”
Biglang sumikat si Noreen sa Pilipinas nang mag-viral ang ilang litrato niya sa social media na kuha sa ilang eksena sa nasabing Korean zombie series.
Ayon sa dalaga, aabot na sa 85 K-drama ang nilabasan niya sa loob ng mahigit limang taon. Bukod sa “All Of Us Are Dead”, naka-join din siya sa “True Beauty” “Hospital Playlist,” “Itaewon Class,” “Extraordinary You,” “The Penthouse” at marami pang iba.
Nagsimula lang sa production si Noreen nang pasukin niya ang mundo ng showbiz sa Korea sa tulong na rin ng ilang kaibigan, “We did Korean cultural caravans and K-pop group meetings.
“They introduced me to several part-time jobs related sa industry like events coordination, backstage directing, awards nights.
“From there, a producer, a director came over to me and suggested na we do on-cam gigs. Tinray ko and it was fun. Doon nag-start ‘yung pagiging background actress ko,” aniya pa.
“Na-enjoy ko yung experience kasi they treat me as like the same as them. It’s very fun,” dagdag ni Noree
View this post on Instagram
At sa isang panayam nga, sa tagal niya sa South Korea at sa dami na ng mga K-drama stars na nakilala niya up close and personal nabanggit nga ni Noreen na itong mga iniidolong oppa ng mga Pinoy ay hindi “available” sa tunay na buhay.
Sa isang episode ng digital show na “Share Ko Lang”, natanong si Noreen kung anu-ano ang mga realizations niya sa paggawa ng mga Korean series at sa dami na ng mga nakikilala niyang sikat na celebrities doon.
Diretsahang pahayag ng dalaga, “Walang oppa sa real life. When you hear that people want to go to South Korea to see their oppas, like to find the man of their dreams, I don’t think that’s possible in real life.”
Paliwanag pa niya, “When you see sa K-drama na makikita ng mga tao sa streets ‘yung mga favorite idols nila, sa K-drama lang ‘yon. Actually, hindi mo sila makikita sa real life.”
Matatandaang naikuwento ni Noreen sa isang interview ng GMA na nagtungo siya sa South Korea noong 2015 hanggang sa magdesisyon siyang doon na manirahan.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho roon bilang full-time financial manager at kapag day off naman niya ay saka siya rumaraket bilang extra o background actress sa mga K-drama.
https://bandera.inquirer.net/305021/pinay-na-ka-join-sa-all-of-us-are-dead-nakagawa-na-ng-mahigit-80-k-drama-paano-naging-artista-sa-korea
https://bandera.inquirer.net/306826/type-mo-bang-umakting-sa-mga-k-drama-pinay-actress-sa-all-of-us-are-dead-may-bonggang-tips
https://bandera.inquirer.net/304690/cafeteria-zombie-attack-sa-all-of-us-are-dead-one-take-lang-mga-bida-at-kontrabida-pinag-workshop
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.