Tawag ng Tanghalan contestant nag-propose sa GF sa live episode ng 'Showtime': Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw | Bandera

Tawag ng Tanghalan contestant nag-propose sa GF sa live episode ng ‘Showtime’: Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Tawag ng Tanghalan contestant nag-propose sa GF sa live episode ng ‘Showtime’: Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 09:47 AM

Tawag ng Tanghalan contestant nag-propose sa GF sa live episode ng 'Showtime': Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw

Ralph Angelo Merced at Noreen

TAGUMPAY ang pinlanong marriage proposal ng isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” kahapon.

Kinuntsaba ni Ralph Angelo Merced, ng Davao City, ang staff at production ng Kapamilya noontime show para isakatuparan ang planong pagpo-propose sa kanyang girlfriend.

In fairness, talagang back-to-back ang winning moments ni Ralph nu’ng araw na yun dahil bukod nga sa wagi siya sa daily round ng “Tawag ng Tanghalan” ay nagetsing pa niya ang pinakaaasam na “yes” ng girlfriend na fiancée na niya ngayon.

Nagsimula ang eksena ng proposal nang interbyuhin na ni Vice Ganda si Ralph on stage kung saan naikuwento nga nito ang tungkol sa kanyang dyowang si Noreen.

Nasa audience that time si Noreen na more than one year nang karelasyon ni Ralph. Matapos ang panayam ng “Showtime” hosts sa contestant, inanyayahan ni Vice Ganda si Noreen sa stage.

Walang kaalam-alam si Noreen na talagang kinausap ng kanyang boyfriend ang production staff ng programa para maisagawa ang pinlanong wedding proposal.

“Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?” tanong ni Vice Ganda kay Ralph. Dito na bahagyang dumilin sa studio sabay patugtog ng romantic music.

“Gusto kong sabihin sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw. Ikaw lang,” sabi ng contestant.

“Ito na ‘yung chance siguro na na yayain ka,” dagdag pa niya. Kitang-kita naman ang pagka-shock ni Noreen.

Palakpakan at hiyawan naman ang mga tao sa studio hanggang sa maiyak na nga si Noreen dahil na-feel na niya na yayayain na siyang magpakasal ng boyfriend.

Pagpapatuloy na mensahe ni Ralph, “Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ayoko mawala ka sa buhay ko. Ikaw ‘yung bumuo sa akin noong walang-wala ako, noong wasak na wasak ako. Binago mo ang buhay ko.”

Kasunod nito, lumuhod na nga ang binata sa harapan ni Noreen sabay tanong ng, “Will you marry me?” Agad namang sumagot ng “Yes!” ang dalaga habang patuloy ang pagtulo ng luha.

Pahayag naman ni Noreen matapos isuot sa kanya ni Ralph kanyang engagement ring, “Hindi ko ini-expect na mangyayari ‘to, as in!”

Pagkatapos ngang ma-engage on national television, itinanghal ding daily winner sa “Tawag ng Tanghalan”. Magkakaroon siya ng chance na maagaw ang “golden mikropono” mula sa defending champion last Tuesday.

‘Ilusyon’ ng mga K-drama fans binasag ng ‘All Of Us Are Dead’ Pinay actress: Walang oppa sa real life

Former ‘TNT’ finalist Anton Antenorcruz nahirapang aminin na parte siya ng LGBT community; nasabihang hindi nagpapakatotoo sa sarili

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jed, Nyoy, Louie umaming napakahirap ng trabaho bilang hurado sa ‘TNT’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending