Former ‘TNT’ finalist Anton Antenorcruz nahirapang aminin na parte siya ng LGBT community; nasabihang hindi nagpapakatotoo sa sarili
INAMIN ng dating “Tawag Ng Tanghalan” finalist Anton Antenorcruz na naging mahirap para sa kanya ang pag-amin tungkol sa kanyang tunay na kasarian.
Sa interview niya kasama ang King of Talk Boy Abunda ay inilahad ni Anton ang hirap na pinagdaanan bago siya tuluyang mag-come out bilang member ng LGBT community.
“Sa totoo lang mahirap, mahirap talaga. Kasi naalala ko nun, yung unang-una kong contest sa TV sa kabilang channel, alam ko na sa sarili ko ganun. Pero nung time na yun di pa ganun ka-open. Hindi pa masyadong na-a-accept ‘yung mga ganong bagay so I tried to keep it sa sarili ko.
“Tapos nung ginawa ko yung akala kong tama, I denied it. Nagpatuloy lang ako. Tas hindi ako nakapasok, nalungkot talaga ako. May nagsabi sakin na ‘di ka kasi nagpakatotoo,” kuwento ni Anton.
Ito nga ay naging lesson para kay Anton at binaon niya ang aral na ito sa kanyang pagsali sa “Tawag Ng Tanghalan” noong 2017.
View this post on Instagram
“Although hindi ako talaga maglaladlad but if ever na tatanungin ako, hindi ako magsisinungaling. I was asked sinagot ko naman yung tanong ng tama,” amin ni Anton.
Kasabay ng pagsali ni Anton sa “Tawag Ng Tanghalan” ay ang pag-ungkat ng mga tao sa kanyang issues tulad ng kanyang nagdaang failed relationship noon kung saan kumalat muli ang mga larawan ng dati niyang kasal.
“Sa totoo lang malungkot ako na naungkat siya ulit pero thankful ako kasi noong time na nangyari ‘yun, ‘yung kasal, para bang na-prepare na ako noon sa controversy.
“Nung sumali ako sa TNT, wala na ko pake kahit anong controversy yung ibato nila,” sey ni Anton.
Ayon kay Anton, kahit na ganon ang kanyang sinapit ay wala siyang regret sa buhay dahil marami siyang natutunang lessons na talaga namang nakatulong sa kanya sa paggawa ng kanyang mga desisyon sa buhay.
“Ngayon, maraming nagtatanong sa akin, ‘Gusto mo bang ikasal ulit?’ kasi ngayon kung tatanungin ako, parang ayoko na.
“Hindi ko ikino-close yung doors ko pero kung i-ask ako, why not? Syempre, masaya pa rin naman. Pero kung hindi, okay lang din,” saad pa ni Anton.
Related Chika:
Makki Lucino natalo sa TNT pero naka-jackpot sa Star Music; binansagang Queer of Soul
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.