Kim binisita uli si Kris sa US, Joshua at Bimby tuwang-tuwa

Kim binisita uli si Kris sa US kasama si Bela, Bimby at Joshua tuwang-tuwa

Ervin Santiago |December 31,2023
facebook
share this

Kim binisita uli si Kris sa US kasama si Bela, Bimby at Joshua tuwang-tuwa

Ervin Santiago - December 31, 2023 - 12:18 PM

Kim, Bela binisita uli si Kris sa US, nakipag-bonding kina Joshua at Bimby

Bela Padilla, Kim Chiu, Bimby, Mark Leviste at Kris Aquino

MULING dinalaw ni Kim Chiu ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Amerika kamakailan kasama ang kaibigang si Bela Padilla.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na binisita nang personal ng Kapamilya actress at TV host si Kris sa US kung saan ito sumasailalim sa medical treatment para sa kanyang mga sakit.

Sa isang video na in-upload sa X (dating Twitter) account na KrisAquinoWorld makikita ang pagdating nina Kim at Bela sa bahay na tinitirhan ni Kris at ng dalawa niyang anak na sina Bimby at Joshua sa Orange County, California.


Very obvious na super na-miss nina Kim, Josh at Bimb ang isa’t isa dahil sa higpit ng kanilang yakapan kahit na nga last October lang nagpunta doon ang “It’s Showtime” host.

Itinuturing na rin kasing anak ni Kris si Kim, sa katunayan, “panganay” pa nga ang tawag niya kay Chinita Princess. At in fairness, parang ate na rin talaga ang turingan nina Kim, Joshua and Bimby.

Mapapanood din sa video ang pagkarga ni Bimby kay Kim na mas matangkad na ngayon kesa sa kanya. Base sa reaksyon ng dalaga, tila gulat na gulat pa rin ito sa itsura ng bunsong anak ni Kris.

Baka Bet Mo: Kris pinatawad na si Mel Sarmiento; muling nag-sorry kay P-Noy

Ngunit nanghinayang at nalungkot naman ang mga netizens, lalo na ng mga supporters ni Kris dahil hindi napanood sa video ang muling pagkikita ng award-winning TV host at nina Kim at Bela.

Sa halip na si Kris, ang umapir sa huling bahagi ng video ay su  Batangas Vice Governor Mark Leviste, na siyang kumuha sa pagdating ng mga bisita ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Nagtaka naman ang marami dahil ang akala nila ay hiwalay na sina Mark at Kris pero bakit doon pa rin ito nagdiwang ng holiday season. Mismong ang TV host na ang nagsabi na wala na sila ni Mark at single na single na uli siya ngayon.

Baka Bet Mo: Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Pero komento naman ng ilang X users, baka raw nagbago na naman ang isip ni Kris at tinanggap uli sa buhay niya si Mark Leviste.

Samantala, nagbabakasyon ngayon sa US sina Bela at Kim kasama ang isa pa nilang BFF na si Angelica Panganiban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“#AngBeKi reunite!!! Ending the year with these two beautiful people!!!” ang caption ni Kim sa photo nilang tatlo sa Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending