Bela Padilla nag-aral ulit, ibinandera ang pinasukang ‘dream school’ sa London
PROUD na ibinandera ng aktres na si Bela Padilla ang bago niyang pinagkakaabalahan sa buhay.
Kasalukuyan kasi siyang nag-aaral ng kursong “Advanced Scene Study for Actors” sa Royal Academy of Dramatic Art (RADA) sa London.
Sa pamamagitan ng Instagram video, ipinasilip ni Bela ang kanyang first day sa pinasukang dream school.
“Back to school [emojis],” caption niya sa post.
Kwento niya, “Yesterday was our first day and it was sooo exhilarating, I learned so much already on day 1! [emoji].”
“If you could study acting/filmmaking, what would you like to learn?” ani pa ng aktres
Baka Bet Mo: Bela Padilla hindi pa nakikipag-live in sa Swiss-Italian boyfriend sa London; bibida sa 2 Korean movie
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, nakapasa si Bela sa 10-week advanced course ng nasabing paaralan na naglalayong palaguin pa ang kasanayan pagdating sa “text analysis”, at upang gabayan ang mga estudyante tungo sa pagbibigay ng iba’t-ibang ekspresyon sa pagtatanghal.
Kung maaalala, nauna nang ibinalita ng aktres sa Instagram Stories ang pagsabak niya sa nasabing paaralan.
Inamin pa nga niya na nakakaramdam siya ng nerbyos sa tatahaking panibagong journey bilang estudyante.
“I honestly believe that even when you’re already hired for your dream job, you should always find ways to keep on learning,” sey niya sa nasabing post.
Chika niya, “So here I am, happily taking my own advice, from buying books on new acting techniques and taking online courses to finally setting foot in my dream school [emojis].”
Kwento pa niya sa IG Stories, “My dad told me to try and secure a place in RADA in 2007. [emoji] Here I am, 16 years later [emojis].”
Magugunita noong August 28 lamang nang ibinalita ni Bela ang pagpanaw ng kanyang ama.
Related Chika:
Megan, Mikael ipinasilip ang ipinatatayong studio, ‘next level’ content ibabandera na
Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.