Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete! | Bandera

Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete!

Ervin Santiago |February 24,2022
facebook
share this

Bela swerte sa 2022: The universe conspired for me to be happy and to be complete!

Ervin Santiago - February 24, 2022 - 07:10 PM

Bela Padilla

NANGAKO ang Kapamilya actress, scriptwriter at direktor na si Bela Padilla sa madlang pipol na babalik siya sa Pilipinas ngayong taon.

Sa London na naka-base ang dalaga pero nakatakda nga siyang umuwi ng Pilipinas sa darating na April, 2022 para sa ilang mga commitment na naiwan niya rito.

Isa na rito ang pagpo-promote ng pelikula niyang “366” kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Ito rin ang magsisilbing directorial debut ni Bea para sa Viva Films.

Kanina, muling humarap ang aktres sa ilang members ng entertainment media para sa promo ng “366” at dito nga nagkuwento ang dalaga tungkol sa buhay niya ngayon sa London.

“I think this year, the universe really conspired for me to be happy and to be complete as a person. So, I was able to achieve so many firsts in my life, aside from 366, which is my directorial debut and first film na I guess talagang ang feeling ko I created.

“I was able to move to London, start a life here. I was able to figure out things I want for myself in the next few years, and I think malaking blessing siya kasi nagawa ko siya during the pandemic so I’m very thankful.

“Babalik ako ng April to promote 366 with Zanjoe Marudo and JC Santos. Pero for now, this is my home base, so babalik din ako dito after April,” ang simulang pagbabahagi ni Bela.

Ibinalita rin ng aktres na sa pag-uwi niya sa bansa ay sasabak din siya sa lock-in shoot para tapusin ang movie nila ni Marco Gumabao, ang  “Spellbound” matapos itong mahinto noong March, 2020 dulot ng COVID-19 pandemic.

“Kailangan ko mag-continue ng shoot ng Spellbound pag-uwi ko ng Pilipinas kasi naiwan namin siya, naabutan kami ng pandemic nu’ng nagsu-shoot kami ni Marco Gumabao, but I will do that in Manila in April,” chika ni Bela.

Kasunod nito, siniguro naman ng dalaga na okay na okay ang kalagayan niya sa London kahit mag-isa lang siyang naninirahan doon. 

“I would say life is good at the moment. I’m enjoying London. I’m having fun here. Medyo back to basics po ako ngayon. Siyempre, wala akong kasama,” patuloy pang kuwento ni Bela.

Aniya pa, “Nawala lahat ng mga bagay na nagpapakomportable sa buhay ko sa Pilipinas, like wala akong kotse dito. Hindi ako marunong mag-drive sa right side ng kotse, so ayoko siyang subukan.

“Wala yung driver ko dito, wala yung assistant ko. So, back to basics po ako ngayon. Lahat ako muna ang gumagawa and I’m enjoying it.

“I have always been quite independent but I think this complete aloneness is new to me, but I’m liking it,” dagdag pang chika ng aktres at direktor.

Tungkol naman sa kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay, nagkikita naman daw sila kahit nasa Zurich ito. Tulad na lang nitong nakaraang araw kung saan nag-celebrate sila ng kanilang second anniversary as a couple.

View this post on Instagram

A post shared by Bela Padilla (@bela)


Kuwento pa ni Bela, napapayag pa niya si Norman na mag-stand in para kay JC habang ginagawa nila ang “366” dahil hindi raw ito nakarating sa schedule shoot nila sa Istanbul, Turkey.

“Sinamahan niya akong maghanap ng location and nu’ng shoot po namin mismo, fun fact, hindi po lumabas yung passport ni JC in time for our shoot.

“May tickets na kami, ready na lahat. Nakagayak na lahat. Dapat kaming dalawa lang ni JC ang lilipad kasi yung buong crew for Turkey shoot were Turkish, so wala nang sumama sa akin from Manila.

“Lahat ng likod shots ni JC sa Turkey ay pinatayo ko po si Norman or kung sinuman ang ka-height ni JC na nandoon at that time.

“May eksena sa 366 na likod ni Norman yung nakunan po namin. Magka-height sila at parehong kulot (buhok). Very happy po ako kasi hindi siya nagpabayad ng talent fee. Pro bono po yung cameo niya sa 366,” paliwanag pa ni Bela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang hugot movie na “366” sa Vivamax simula sa April 22.

Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?

Papalit sa trono ni Miss Universe PH Beatrice Gomez kokoronahan sa April 30, 2022

Marian gagawa lang uli ng serye sa 1 kundisyon; Dingdong gusto pang humirit ng 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending