Kim Chiu ibinandera ang pagiging ‘grateful’ matapos ang breakup

Kim Chiu nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang pagiging ‘grateful’

Pauline del Rosario |December 28,2023
facebook
share this

Kim Chiu nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang pagiging ‘grateful’

Pauline del Rosario - December 28, 2023 - 11:46 AM

Kim Chiu nagpasabog ng kaseksihan, ibinandera ang pagiging ‘grateful’

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

TILA lalo pang gumaganda at sumeseksi ang TV host-actress na si Kim Chiu.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpasabog ng hotness ang aktres kung saan ibinandera niya ang ilang sexy photos na nakasuot ng dark green two piece.

Makikita rin na tila nag-eenjoy ngayon sa buhay si Kim matapos ang confirmed and official breakup nila ng longtime boyfriend na si Xian Lim.

Mukhang pagkatapos magdiriwang ng Pasko ay dumiretso na siya sa Balesin Island upang makapag-relax.

“Opacarophile,” caption niya na tumutukoy sa isang taong mahilig sa sunsets o paglubog ng araw.

Dagdag pa niya, “Grateful for small things, big things, and everything in between [sun emoji].”

Baka Bet Mo: Update ni Kim Chiu: Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Sa comment section, mababasa na marami ang nagpahayag ng suporta kay Kim para sa kanyang single journey, habang may iilan namang pinapatamaan ang dating partner niya.

 Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens at fans: 

“Ganyan! Ipakita na ‘yung sexy 2 piece mo Kimmy., Tutal single ka nanaman. Tas sabihing mo, Hello ako nga pala yung sinayang mo! [laughing emoji]”

“Lahat ng nakipag break lalong nag blooming [face with open mouth emoji]. We love u kimmy.”

“Iba talaga pag single mas lalong gumaganda…” 

“Bakit kaya may mga lalaki talaga na hindi makuntento..’yung gandang sinayang lang…God bless you miss Kim…”

Ilang araw bago mag-Pasko, kinumpirma na mismo ni Kim sa isang official statement na naghiwalay na sila ni Xian makalipas ang mahigit isang dekada na mag-dyowa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos naman ang ilang minuto ay nag-post din si Xian sa kanyang IG account at lubos niyang pinasalamatan si Kim dahil sa ibinigay nitong “unconditional love.” 

Hiniling nga rin niya na mahanap na ni Kim ang happiness at pag-ibig na ninanais nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending