Update ni Kim Chiu: Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon!

Update ni Kim Chiu: Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon!

Pauline del Rosario |December 17,2023
facebook
share this

Update ni Kim Chiu: Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon!

Pauline del Rosario - December 17, 2023 - 05:39 PM

Update ni Kim Chiu: Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon!

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

TRENDING sa social media ang naging rebelasyon ng TV host-actress na si Kim Chiu sa gitna ng kontrobersiyang hiwalayan nila ng longtime partner na si Xian Lim.

Ito ay matapos usisain ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang current lovelife ni Kim.

Mapapanood sa latest YouTube vlog ng batikang aktres na naging yaya for a day siya ng Chinita Princess.

Kitang-kita na kinarir ni Maricel ang pagiging yaya niya na kung saan ay lagi siyang nakabuntot at nakaalalay sa aktres habang abala ang huli sa kanyang pagho-host sa noontime show na “It’s Showtime.”

Sa 17-minute video, talaga namang pinupunasan ng pawis, binibigyan ng tubig at pinagse-serve pa ni Maricel ng pagkain ang kanyang alaga.

At habang naglalakad nga ang dalawa sa hallway ng ABS-CBN, diretsahang tinanong ng Diamond Star si Kim tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Ang dami-daming nagbubulungan, kamusta raw ang lovelife mo?” usisa ni Maricel sa aktres.

Baka Bet Mo: Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

Halata sa naging reaksyon ni Kim na siya ay nabigla at hindi na muna nakasagot.

Dagdag ni Maricel, “Tinatanong nila lovelife mo e. Hindi naman ako makasagot dahil hindi naman ako ikaw.”

Tugon naman ni Kim, “Sino nagtatanong sa’yo?”

“Mga fans mo. nagtatanong sila,” ani naman ng beteranang aktres.

Biglang napahalakhak si Kim at sabay sabing, “Ang lovelife ko ay naka-hang ngayon.”

“Parang telepono ba?” pabirong follow-up question ni Maricel.

Sagot naman sa kanya ng Chinita Princess, “Oo!”

Pagkatapos niyan ay tila iniwas na ni Kim ang topic at bigla na niyang inayang kumain si Maricel.

Matatandaang kasabay ng confirmed breakup ng dating mag-dyowa na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay usap-usapan din ang “breakup rumors” nina Kim at Xian.

Kamakailan lang nang mag-trending ang biglang pagbura ni Xian ng mga videos nilang dalawa ni Kim sa kanyang YouTube channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending