Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

Therese Arceo |December 13,2023
facebook
share this

Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

Therese Arceo - December 13, 2023 - 07:38 PM

Vice Ganda mahigpit ang yakap kay Kim Chiu: You deserve love

Vice Ganda at Kim Chiu

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging mensahe ni Vice Ganda sa kanyang kaibigang si Kim Chiu.

Ito ay sa kalagitnaan ng isyung hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.

Sa isang segment ng “It’s Showtime” na pinamagatang “EXpecially For You” kung saan siya ang host kasama sina Vice, Vhong, at Anne, isang mensahe ang iniwan sa kanya ng Unkabogable Star sa gitna ng kanilang kulitan.

Noong una ay pinansin muna ng komedyante ang outfit ng kaibigan na diumano’y pang-JS Prom daw.

“Anong oras ba JS n’yo? Ihahatid kita,” biro ni Vice kay Kim sabay sa aktres.

Segunda naman ni Anne sa sinabi ni Meme, Ang ganda-ganda kaya niya, o.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa nagsasabing umaasa sa kanya ang ina: May ipon ang Nanay ko

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dito ay naging seryoso na si Vice sa kanyang mga pahayag kay Kim.

“Oo, maganda talaga ‘to. Maganda ka, mabuti kang tao.Maganda ang mukha mo.

“Maganda ang puso. You deserve the best. You deserve love,” sinserong sabi ni Vice sabay yakap kay Kim.

Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan ng mga Marites kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon ngayon nina Kim at Xian.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!?

Mas lalo pa ngang umugong ang chika g hiwalay ito dahil sa mga makahulugang biro ni Vice sa tueing magbibiruan silang mga hosts ng “It’s Showtime”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong linggo lang nang biglang burahin ni Xian ang mga videos nilang dalawa ni Kim sa kanyang YouTube channel.

Bukod pa rito, marami na rin ang naghihinalang totoong break na ang dalawa nang tanungin ni Vice si Kim kung sino ang nagpapangiti sa dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending