Julia, Joshua magbabalikan; Atasha tuloy ang pagsabak sa akting

Julia, Joshua magbabalikan; Atasha tuloy na ang pagsabak sa aktingan

Ervin Santiago |December 28,2023
facebook
share this

Julia, Joshua magbabalikan; Atasha tuloy na ang pagsabak sa aktingan

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 07:21 AM

Julia, Joshua magbabalikan; Atasha tuloy na ang pagsabak sa aktingan

Julia Barretto at Joshua Garcia

SIGURADONG magiging super busy ang 2024 ng girlfriend ni Gerald Anderson na si Julia Barretto.

Sa pamamagitan ng isang video, ipinakita ng Viva Entertainment sa mga miyembro ng entertainment media ang mga pelikulang gagawin nila next year.

In fairness, every month ay may mga pasabog na pelikulang ipalalabas ang Viva Films na pinagbibidahan ng mga malalaking artista mula sa direksyon ng mga blockbuster at award-winning filmmakers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Kabilang na nga riyan ang mga pelikulang gagawin ni Julia. Una sa listahan ang reunion project nila ng kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia kaya naman sure na sure kaming matutuwa rito ang kanilang solid fans.

Isa naman sa magiging Valentine offering ng Viva Films sa February, 2024 ang pelikulang pagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto na may titulong “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko”.

Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Bukod dito, nakatakda ring gawin ni Julia ang pelikulang pagtatambalan uli nila ni Carlo Aquino, ang “In Love with a Psychic Girl”. Una silang nagkasama sa hit 2022 Viva Films movie na “Expensive Candy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa pagpasok pa lang ng January, 2024 hahataw na sa mga sinehan ang “My Zombabe” nina Empoy Marquez at Kim Molina.

Susundan ito ng “Roadtrip” na pagbibidahan ng magkakaibigang sina Janice de Belen, Carmina Villaroel at Candy Pangilinan at ng “Raging Grace” ng 6th The EDDYS best actress winner na si Max Eigenmann.

Tuloy na tuloy na rin ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” starring Janno Gibbs; ang Pinoy version ng Korean movie na “My Sassy Girl” nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.

Nandiyan din ang pelikula nina Alden Richards at Heaven Peralejo na “Out of Order”; “Isang Gabi” starring Coleen Garcia and Diego Loyzaga; “Pagpag 24/7”, at “Dearly Beloved” nina Cristine Reyes at Baron Geisler.

Baka Bet Mo: Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

Pagpasok ng April, mapapanood naman ang “Glimpse of Forever” nina Jasmine Curtis at Jerome Ponce, at ang “Elevator” na pagbibidahan nina Kylie Verzosa at Paulo Avelino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Atasha (@atashamuhlach_)


Sa May, 2024 naman ipalalabas ang movie nina Jerald Napoles at Janno Gibbs na “Tito X Tita”, at ang pelikula nina Diego Loyzaga, Rhen Escaño at Joel Torre na “Bullet Day”.

Wala na ring atrasan para sa pelikulang pagtatambalan ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, ang Pinoy adaptation ng Korean film ma “Wonderful Nightmare.”

May reunion movie rin ang celebrity couple na sina Heaven Peralejo at Marco Gallo, ang “Men are from QC, Women are from Alabang” at ang movie ni Alessandra de Rossi na “Ang Tatlong Pinakamahabang Gabi” na ipalalabas naman sa July, 2024.

In-announce rin ng Viva Entertainment ang reunion project ng tambalang Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang “Safe Space” na nakatakdang ipalabas sa August.

Ang iba pang dapat abangan sa susunod na taon ay ang pelikula ni Kim Molina na “Pak Girl! Landi with a Heart” kasama si Wilbert Ross, at ang reunion movie nila ng kanyang real-life partner na si Jerald Napoles sa “Best Before Love”.

Tuloy na tuloy na rin ang pagsabak ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach sa larangan ng pag-arte. Bibida ang dalaga sa pelikulang “Sword’s Up”. Nandiyan din ang “Playtime”, “Raphaella” at “Dwellers” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Bela Padilla at Sid Lucero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan din ang pelikulang pagsasamahan nina Bela Padilla, Jodi Sta. Maria at Aga Muhlach na posible namang ilaban ng Viva sa Metro Manila Film Festival 2024.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending