Andres, Atasha isasabong na ng 'E.A.T.' kina Cassy at Mavy ng 'Eat Bulaga': Battle of the twins yarn!? | Bandera

Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

Reggee Bonoan |September 27,2023
facebook
share this

Andres, Atasha isasabong na ng ‘E.A.T.’ kina Cassy at Mavy ng ‘Eat Bulaga’: Battle of the twins yarn!?

Reggee Bonoan - September 27, 2023 - 06:05 PM

Andres, Atasha isasabong na ng 'E.A.T.' kina Cassy at Mavy ng 'Eat Bulaga': Battle of the twins yarn!?

KA-JOIN na rin si Andres Muhlach sa “E.A.T.” at iwe-welcome siya sa noontime show ng TV5 isa sa mga araw na ito.

Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin kaninang tanghali sa “Cristy Ferminute” radio program nila ni Romel Chika sa Radyo5 92.3 TRUE FM.

“May nag-text po at hindi ko na babanggitin kung sino, di ba lehitimong dabarkads na rin ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si… Atasha Muhlach (banggit ni Romel Chika).

“Susunod na si Andres! Pasok na sa banga. Pasok na sa showbiz si Andres! Talaga namang dito (EAT) sila mapunta at ang mga itsura at mga ugali at pinagmulan naman.

“Kaya Atasha at Andres ‘yan na ‘yan palakpakan natin ang magkapatid,” masayang sabi ni ‘Nay Cristy.

Matatandaang winelcome ng “E.A.T.” si Atasha Muhlach nitong Sabado, Setyembre 23 bilang bagong barkada ng Legit Dabarkads kaya magkakasama na ang kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

Nang ilunsad si Atasha sa programa nitong Sabado ay kaliwa’t kanan ang papuri sa kanya ng lahat dahil bukod sa maganda at magaling sumayaw ay pansin kaagad ang pagiging marespeto niya.

Kaya naman todo puri ang netizens sa mag-asawang Aga at Charlene sa maayos na pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Maging si Andres din ay ganito rin daw ang ugali sabi ng mga nakapanayam niya sa nakaraang burol ng Dean of Philippine Entertainment Writers na si Ms. Ethel Ramos.

Sa pagpasok ni Atasha sa “E.A.T.” ay hindi maiwasang hindi siya ikumpara kay Cassy Legaspi na isa sa kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na regular naman sa “Eat Bulaga” ng GMA 7.

At dahil papasok na si Andres sa show ng TVJ ay halatang pinagtatapat na ang kambal nina Aga at Charlene sa kambal nina Zoren at Carmina.

Para sa amin, sana’y healthy competition ito at hindi ma-pressure ang Muhlach at Legapi twins, i-enjoy lang nila ang show.

Anyway, ang tanong hindi pa tapos si Andres sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa, ituloy pa kaya niya ito kapag naranasan na niyang masaya pala ang nasa harap ng camera at higit sa lahat kumikita pa siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Atasha Muhlach game na game maging artista at beauty queen, sey ng netizens: ‘Wow! beauty and brains!’

Video ng anak nina Charlene at Aga na si Atasha habang kumakanta gamit ang sandok viral na, inalok mag-perform sa ‘ASAP’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending