Cristy Fermin tinalakan si Liza Soberano: Dapat ay alam niya kung anong pinasok niyang mundo! | Bandera

Cristy Fermin tinalakan si Liza Soberano: Dapat ay alam niya kung anong pinasok niyang mundo!

Therese Arceo |September 26,2023
facebook
share this

Cristy Fermin tinalakan si Liza Soberano: Dapat ay alam niya kung anong pinasok niyang mundo!

Therese Arceo - September 26, 2023 - 05:05 PM

Cristy Fermin tinalakan si Liza Soberano: Dapat sy alam niya kung anong pinasok niyang mundo!
BINALAAN ng kolumnistang si Cristy Fermin si Liza Soberano matapos nitong i-call out ang Bandera at Inquirer.net sa kanyang nagdaang tweet.

Matatandaang noong September 21 nang mag-tweet ang dalga upang tawagin ang aming pansin dahil sa isang naisulat ukol sa reaksiyon ng madlang pipol sa kanyang pagpasok sa Korean entertainment industry na hindi nito nagustuhan.

Ayon kay Cristy, dapat raw ay alam ni Liza ang pinasok niya dahil hindi lahat ng tao ay mapi-please niya lalo na at napakaraming ginawa ang dalaga na hindi nagustuhan ng publiko buhat nang lumipat siya ng management.

“Dapat ay alam niya ang pinasok niyang mundo. Hindi siya pumasok sa karnabal na lahat ay papalakpak sa kanyang pagpapatawa. Hindi rin siya papalakpakan at pupurihin nang ganyan na lang. Kailangan magpakita siya ng resibo.

“At hindi po pwedeng luro papuri lang ang gusto niyang mabasa at marinig. Aba, public figure ka. Natural dapat nakahanda ang puso st kalooban mo sa maaaring sabihin ng ating mga kababayan tungkol sa ‘yo. E dito pa lang ganito na ang pagkapikon mo,” mahabang saad ni Cristy kay Liza.

Marami rin daw sa mga netizens ang nagsasabi sa aktres na ang pikon ay talo dahil sa tweet nito.

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon pa kay Cristy, marami rin sa mga netizens ang muling nagbanggit ng tungkol sa “kawalan ng utang na loob” ng dalaga sa mga dating nag-alaga sa kanyang karera.

Sey pa ni Romel, “Nagulat lang talaga tayo sa inasal niya kasi parang hindi siya handa. Dapat handa siya e, handa siya na babalikan siya ng ating mga kababayan kasi siya yung nagsimula ng lahat ng ito kaya ito na ang mga tubo ng kanyang pagtatanim.

Dagdag pa ni Cristy, “At saka ang sabi ng mga nagkokomento, kahit sa Hollywood, mas matitini pa dyan ang review at comments ng mga tao laban sa kanila. At lalo kang maghandda sa Korea kung papasok ka na sa sinasabi mong next Hollywood. Mas matindi ang intrigahan at mga komento sa mga Koreano. Ang titindi nila mangdaot. Baka lalo kang mapikon doon.”

Matapos mag-viral ang tweet ni Liza ay nakausap ng BANDERA ang publicist nitong si Chuck Gomez na humingi ng tawad dahil sa tweet ng kanilang alaga. Dito ay nabanggit rin nila ang pakikiisa ng dalaga sa nangyayaring strike sa Hollywood bilang miyembro ng Screen Actor’s Guild o SAG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Cristy Fermin sa chikang hiwalayan nina Manny-Jinkee: Hindi ako naniniwala kasi kita ko ‘yung language of love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending