#Bagay: Juliana Gomez, Andres Muhlach magka-date sa prom | Bandera

#Bagay: Juliana Gomez, Andres Muhlach magka-date sa prom

Reggee Bonoan |June 01,2019
facebook
share this

#Bagay: Juliana Gomez, Andres Muhlach magka-date sa prom

Reggee Bonoan - June 01, 2019 - 12:37 AM

SI Juliana Gomez pala ang ka-date ni Andres Muhlach sa kanilang prom night na ginanap sa Bellevue Manila Alabang nitong Huwebes, Mayo 30.
In fairness bagay ang dalawa, huh? Ang cute nina Andres at Juliana habang isinusuot nila sa isa’t isa ang corsage sa bahay ng dalaga kung saan siya sinundo ng binata.
Ang guwapo ni Andres, kuhang-kuha niya ang features ng daddy niyang si Aga Muhlach at mommy na si Charlene Gonzales.
Ang ganda rin ni Julianna na kamukha rin ng kanyang mga magulang na sina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez. Kaya naman bagay na bagay talaga ang dalawa.
Sayang at hindi buo ang ipinost na litrato ni Andres sa kanyang Instagram account habang sumasayaw sila ni Juliana. Sigurado kaming marunong sumayaw ang binata dahil mahusay ding dancer ang tatay niya.
Hayan, may ideya na ngayon ang mga advertising agency na puwedeng pagsamahin sa TV commercial sina Andres at Juliana.
Hmmmm, bagay din silang magkaroon ng show pero mukhang hindi pa nila type pasukin ang showbiz sa ngayon base na rin sa panayam namin noon kay Andres sa isang event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending