Bakit ayaw pang bumalik ni Mariel sa showbiz?

Mariel ayaw pang bumalik sa pag-aartista: Posible, when my kids are big na

Ervin Santiago |December 11,2023
facebook
share this

Mariel ayaw pang bumalik sa pag-aartista: Posible, when my kids are big na

Ervin Santiago - December 11, 2023 - 07:00 AM

Mariel ayaw pang bumalik sa pag-aartista: Posible, when my kids are big na

Robin Padilla at Mariel Rodriguez

WALA pang kabalak-balak magbalik-showbiz si Mariel Rodriguez-Padilla dahil mas marami pa siyang top priorities bilang asawa at nanay.

“Indefinitely leave” ang ginamit na salita ng wifey ni Sen. Robin Padilla nang magsalita tungkol sa posibleng pagbabalik niya sa showbiz bilang aktres.

Aniya, mas gusto muna niyang tutukan ang pag-aalaga sa kanyang mga anak at ang pagtulong at pagsuporta kay Robin as a wife, pati na rin sa kanyang growing business.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa TV si Mariel pero aktibo naman siya sa social media, lalo na sa pagiging online seller ng mga branded bags, shoes, at iba pang kagamitan.

“It’s so much fun mainly because I get to do what I like to do which is talking, I get to talk.

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

“But at the same time, I get to do what I’m supposed to be doing, which is taking care of my family,” ang chika ni Mariel sa panayam ng ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


“I get to stay at home, I handle my own time and I am there on all the milestones of my kids,” aniya pa.

Pero sey naman ng TV host, kapag malalaki na raw sina Isabella (7 years old) at Gabriela (4 years old) ay posible naman siyang magbalik sa showbiz at tumanggap uli ng mga offer.

“When my kids are big na, I don’t know when that will be. For now, I’m savoring that moment that they do need me,” sey pa ni Mariel.

Baka Bet Mo: Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Samantala, wala nang pakialam ang TV host-actress sa mga bashers at haters nila ni Robin, lalo na yung mga taong puro reklamo at paninira na lang ang alam gawin sa kanilang buhay.

Mula kasi nu’ng maging senador si Robin ay naging sentro na rin sila ng mga paninira at pangnenega kahit pa ginagawa na ng aktor at public servant ang lahat para makatulong sa ating mga kababayan.

“I am not bothered of those things because one, I know my husband. I know his capabilities, I know his heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So for me, that’s what matters most. So hindi kami nasi-shake ng ganu’ng bagay. Patuloy kami,” aniya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending