Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin | Bandera

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Reggee Bonoan |August 07,2021
facebook
share this

Mariel isang buwang sinara ang steak business para kay Robin

Reggee Bonoan - August 07, 2021 - 06:50 PM

Isang buwang pahinga si Mariel Rodriguez sa kanyang steak business na Cooking Ina Mo Food Market ngunit hindi naman kami sinagot kung anong dahilan bakit sarado ito.

Inisip namin na baka kasi kaarawan ng wifey ni Robin Padilla sa Agosto 10 at wedding anniversary nila sa Agosto 19, petsa noong ikasal sila sa Taj Mahal sa India noong 2010. Baka gusto ng mama nina Gabriella at Isabella na isang buwan nilang iselebra ito.

Lalo’t tila may tampo si Robin na umano’y nawawalan na ng oras sa kanya si Mariel dahil umiikot ang panahon nito sa dalawa nilang anak at sa kanyang food business.

Nabanggit nga ni Robin sa asawa na, ‘sana naging steak na lang ako.’ Bagay na ipinaliwanag naman ni Mariel. Nagsisimula pa lang kasi ang negosyo nito kaya kailangan itong tutukan.

At dahil kaarawan at anibersaryo ng kasal nila ngayong Agosto, ito ang perfect time na naisip ng dating TV host na magkakasama silang mag-anak.

Kaya naman nag-surprise visit si Mariel kasama sina Isabella at Gabriela sa kampo kung saan madalas magpunta si Robin dahil gusto rin nitong malaman kung anong meron doon.

In-upload ni Mariel sa kanyang vlog sa YouTube channel nito ang lahat at nalaman nitong puro babaeng sundalo ang mga kasama ng asawa sa kanilang training.

Nang makarating ang mag-iina sa kampo ay hindi nila kaagad nakita si Binoy kaya mega-hanap talaga sila at nang mahanap na, “Puro mga babae pala kayo dito, ‘no?” hirit nito sa asawa.

At dahil maganda ang panahon at may mga dalang baon sina Mariel ay naglatag siya sa may bermuda grass ng tela para mag-picnic silang mag-iina habang nasa training ang asawa.

Sey ni Mariel, “nasa likod namin si Sir (Robin) at hindi pa naka-pantalon. Mga pinaggagawa ni Sir dito sa kampo, huling-huli ni Nanay sa kamera. Malinaw na malinaw na ngayon. Alam na alam ko na mga kaganapan dito.”

Bitin ang video ni Mariel at abangan daw ang part 2 ngayong gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending