Shaira Diaz hindi naniniwala sa 'second chance', handang iwan si EA kapag nagloko

Shaira Diaz hindi naniniwala sa ‘second chance’, handang iwan si EA kapag nagloko

Therese Arceo |December 09,2023
facebook
share this

Shaira Diaz hindi naniniwala sa ‘second chance’, handang iwan si EA kapag nagloko

Therese Arceo - December 09, 2023 - 04:33 PM

Shaira Diaz hindi naniniwala sa 'second chance', handang iwan si EA kapag nagloko

Shaira Diaz at EA Guzman

INAMIN ng Kapuso actress na si Shaira Diaz na apektado siya sa naging hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nausisa siya ng King of Talk kung ano ang naging epekto nito sa kanyang prespective sa relasyon nila ng aktor na si EA Guzman na going 11 years na rin.

“Nalungkot ako Tito Boy kasi fan kami ni Edgar parehas ng KathNiel. Wala ‘kong pinalagpas na movies at teleserye nila. Pinapanood talaga namin,” pagbabahagi ni Shaira.

Pagpapatuloy niya, “So, nalungkot ako and at the same time, napa-question ako na ano kaya nangyari ‘di ba? Syempre lahat tayo napapatanong pero sabi ko nga ‘Baba, ‘di naman siguro tayo magiging ganto no?”

Lahad ni Shaira, ang maganda raw sa kanila ng kanyang kasintahan ay mayroon silang open communication.

“Kasi alam mo, ang maganda sa’ming dalawa ni Baba [EA] , pinaplano namin, inaalam namin kung ano ‘yung magiging timeline ng bawat isa para alam namin kung ano ‘yung next move namin Tito Boy.

Baka Bet Mo: True ba, EA Guzman at Shaira Diaz nagli-live in na?

“So kami, parang sinecure namin ‘yung isa’t isa na hindi mangyayari ‘yun, lalo na si Baba kasi siya ‘yung lalaki. Sinecure niya na ‘Kahit abutin pa tayo ng ilang taon, kung ‘di ka pa ready, maghihintay ako’,” sey pa ni Shaira.

Ngunit may isang bagay na non-negotiable para sa aktres na siyang maaaring maging dahilan para makipaghiwalay sa boyfriend at ito ay kapag na-confirm niya na nag-chaeat sa kanya si EA.

Baka Bet Mo: EA Guzman feeling lucky kay Shaira Diaz: ‘Wala pong perpektong relasyon, pero para sa akin, ‘yung ideal, irespeto mo ‘yung babae’

Shaira Diaz hindi naniniwala sa second chance

Tanong naman ni Tito Boy kung hindi ba niya bibigyan ng second chance ang Kapuso actor kung sakali?

“Hindi ako [fan] ng second chance,” sagot ni Shaira.

Pagpapatuloy niya, “Sorry pero hindi ko alam kasi parang makukuwestiyon ko siyempre ‘yung sarili ko kung anong mali sa akin, may mali ba sa akin, may kulang ba?

Para kay Shaira, kung tunay na mahal siya ng isang tao ay hindi nito gagawin ang mga bagay na maaaring makasira sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mahal mo ko, hindi ka magloloko. Kung gusto mo talaga akong makasama habangbuhay, gagawin mo lahat at hindi ka magloloko,” giit pa nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending