Carmina Villarroel may paalala sa mga anak na sina Mavy at Cassy

Carmina Villarroel sa mga anak: You will always be admired by those who know you best

Therese Arceo |November 29,2023
facebook
share this

Carmina Villarroel sa mga anak: You will always be admired by those who know you best

Therese Arceo - November 29, 2023 - 03:47 PM

Carmina Villarroel sa mga anak: You will always be admired by those who know you best

Mavy Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, at Zoren Legaspi

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging mensahe niya sa kanyang kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Nag-post kasi ang Kapuso actress sa kanyang X (dating Twitter) sa kalagitnaan ng mga bulung-bulungan na may “something” na nangyayari sa kay Mavy ay sa rumored dyowa nitong si Kyline Alcantara.

“Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds,” saad ni Carmina.

Dagdag pa niya, “Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”

Nasundan rin ito ng isang makahulugang post sa Instagram ni Carmina kung saan mababasa ang “Mom knows best”.

Hhindi naman malinaw kung sino nga ba ang pinatutungkulan ng Kapuso TV host-actress ngunit marami sa madlang people ang nag-uugnay nito sa naging cryptic post ni Kyline  kamakailan sa X at TikTok.

Marami nga ang nagsasabing tila hiwalay na ang anak ni Carmina sa rumored girlfriend nito.

“I knew it,” maiksing tweet ni Kyline noong Biyernes, November 24.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel ibinandera ang nang-scam sa kanyang kapatid: ‘My sister deposited P33k’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey naman niya sa kanyang TikTok account, “Iba ka Tiktok. I knew it.”

Nagsimula kasi ang chikang hiwalay na umano sina Mavy at Kyline dahil sa kumalat na TikTok cideo kung saan magkakasama sina Mavy, Cassy, Dasor Choi, at Michael Sager papasok sa isang restaurant.

Matapos nito ay makikitang nakaupo ang lalaking anak ni Carmina katabi si Dasuri at katabi naman ni Cassy si Michael.

Wala pa namang linaw kung may katotohanan ang kumakalat na chika dahil wala pa namang pormal na pahayag ang Kapuso stars hinggil sa isyu.

Samantala, nag-post rin ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi ng isang video sa kanyang Instagram account ng naging dinner ng mga anak kasama ang iba pang mga co-hosts sa “Eat Bulaga”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Keep Smiling guys @cassy @mavylegaspi its good to have GENUINE FRIENDS [red heart emojis] ingat kayo…say thank you kay Win for the Dinner. #real #friends #genuine,” saad ni Zoren sa kanyang caption kung saan makikitang present rin sina Winwyn Marquez at Arra San Agustin.

“Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo @cassy @mavylegaspi enjoy lang kayo! Love you guys! Family is [heart emoji],” comment naman ni Carmina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending