Carmina Villarroel ibinandera ang nang-scam sa kanyang kapatid: ‘My sister deposited P33k’
HINDI na napigilan ng TV host-actress na si Carmina Villarroel na i-expose ang Instagram account na nang-scam sa kanyang kapatid.
Sa social media, ibinandera ng aktres ang ilang screenshots ng naging conversation nila ng scammer na may IG username na @deluxebags.preloved.
Ayon kay Carmina, noong August 18 ay nag-deposit ng P33,000 through online banking ang kanyang sister para makuha na sana ang isang luxury bag, pero hindi naman daw ito na-deliver.
Bukod diyan ay bigla pa raw blinock ng seller ang kanyang kapatid sa IG at hindi na nag-reply sa WhatsApp.
“My sister deposited P33k for the mini city gray Balenciaga bag at 1:51 p.m. today, Aug. 18, 2023 thru Union Bank (online) but she didn’t receive the bag and you blocked her on IG and you’re not replying on WhatsApp. Return/refund her money tonight,” saad sa naka-post na screenshots.
Baka Bet Mo: 2 hugot ni Carmina tungkol sa isyu ng ‘tiwala’ at mga ‘kontrabida na pa-victim’ may pinatatamaan ba?
Mababasa rin sa caption ni Carmina na kahit daw siya ay blinock ng nasabing IG account.
“As much as I don’t want to expose this account, they left me no choice but to,” caption niya.
Kwento pa ng aktres, “I reached out and asked about what happened with the transaction between their account and my sister.”
“But they decided to put our messages in VANISH MODE and BLOCKED ME right away, just like what they did to my sister RIGHT AFTER RECEIVING HER PAYMENT,” patuloy niya.
“We all work hard for our money and this is what we get?,” wika pa niya sa IG.
Paalala pa ni Carmina sa publiko, “Please be careful and watch out for scammers.”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang napa-comment at ilan sa kanila ay ibinahagi na naging biktima rin sila ng nasabing IG account.
“I almost got scammed by the same account…Good thing I searched for their DTI but it’s not showing in the DTI system,” sey ng isang IG user.
Komento naman ng isa pa, “Big time scammer po ‘yan dito sa IG. Marami po ‘yang IG account. Be aware po lalo na kapag mataas ang mga followers and mura po ang prices nila [crying face emoji].”
Lahad ng isa pang netizen, “They have multiple accounts, my friend got scammed too [sad face emoji].”
Related Chika:
Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.