Angelica nagsisi nang ayawan ang 'Four Sisters And A Wedding': Hindi ko pa rin siya pinapanood Bandera

Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood

Therese Arceo |December 02,2021
share this

Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood

Therese Arceo December 02, 2021 - 07:29 PM

Angelica nagsisi nang ayawan ang 'Four Sisters And A Wedding': Hindi ko pa rin siya pinapanood
PASABOG ang rebelasyon ng beteranang aktres na si Angelica Panganiban patungkol sa kanyang pag-turn down sa offer na maging isa sa cast members ng hit movie ng Star Cinema na “Four Sisters And A Wedding”.

Ito ang inamin niya nang tanungin ni Tito Boy Abunda sa bago niyang vlog na in-upload nitong Dec. 1 sa kanyang YouTube channel.

Ang question — mayroon bang pagkakataon na may tinanggihan siyang movie role na in-offer sa kanya at ibinigay sa ibang tao na pinanghinayangan niya noong napanood niya?

“Yung ‘Four Sisters [and a Wedding],’ Tito Boy,” saad ni Angelica. “Hanggang ngayon, hindi ko siya pinapanood.”

Hindi na masyadong idinetalye ng aktres kung ano ba ang role na in-offer sa kanya o ano ang buong rason kung bakit niya ito tinanggihan.

Ang tanging sinabi niya lamang ay mayroon silang mga bagay na hindi napagkasunduan.

“May mga hindi lang nagkasunduan sa mga agreement, so huwag na lang,” dagdag pa niya.

Kuwento niya, nang humindi raw siya ay tila naging madali ang pagtanggap ng Star Cinema sa kanyang desisyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Nu’ng gumanon ako na huwag na lang, sabi ng Star Cinema, ‘Okay.’ Parang ako, ‘Bakit nag-okay sila kaagad’?” nakatawang sabi pa ni Angelica.

Ang “Four Sisters And A Wedding” ay isang comedy-drama film na pinagbidahan nina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Bea Alonzo at Enchong Dee na ipinalabas noong December, 2013.

Naikuwento rin niya ang istorya patungkol sa kanyang iconic line na “Ang pera natin hindi basta, basta nauubos pero ang pasensya ko, konting-konti na lang” mula sa pelikulang “One More Try”.

Aniya, original line niya raw talaga ito na sinabi niya noong nagla-lunch sila sa set.

“Naghihiwalay kami nu’ng ex ko noon, then parang ako ang daming… syempre naghihiwalay kayo, ‘yung mga kotse, ‘yung bahay kanino mapupunta. So parang okay lang ‘yung pera e, hindi naman mauubos pero ‘yung pasensya ko konting-konti na lang. Umabot kami sa ganon,” kuwento ni Angelica.

Kaya naman daw nang marinig ni Direk Ruel Bayani ang tinuran ni Angelica ay isinama na ito at ginamit sa pelikula.

Related Chika:
Toni 2 beses umatras sa Four Sisters And A Wedding: Sabi ko parang hindi ko kaya, nakakahiya…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending