Toni 2 beses umatras sa Four Sisters And A Wedding: Sabi ko parang hindi ko kaya, nakakahiya... | Bandera

Toni 2 beses umatras sa Four Sisters And A Wedding: Sabi ko parang hindi ko kaya, nakakahiya…

Ervin Santiago |April 07,2021
facebook
share this

Toni 2 beses umatras sa Four Sisters And A Wedding: Sabi ko parang hindi ko kaya, nakakahiya…

Ervin Santiago - April 07, 2021 - 09:25 AM

KNOWS n’yo ba na dalawang beses tinanggihan ni Toni Gonzaga ang iconic at blockbuster movie na “Four Sisters and A Wedding” ng Star Cinema?

Inamin ng TV host-actress na nakiusap talaga siya sa mga bossing ng ABS-CBN Films at Star Cinema na huwag na siyang isama sa pelikula at maghanap na lang ng pwedeng ipalit sa kanya.

Diretsong sinabi ni Toni na hindi niya kayang makipagsabayan sa husay nina Angel Locsin, Bea Alonzo at Shaina Magdayao pagdating sa pagdadrama, lalo na sa mga eksenang iyakan.

Kuwento ni Toni, dalawang beses siyang nakipag-usap sa executive ng ABS-CBN na si Malou Santos para mag-quit sa project dahil baka hindi niya mabigyan ng justice ang karakter niya sa kuwento bilang si Teddie.

“Dalawang beses akong nagpunta kay Tita Malou noon. I was begging off. Nakiusap ako, ‘Tita Malou, hindi ko po yata kaya. Nakakahiya po, baka hindi ko maibigay yung hinihingi (ng karakter),’” pagbabalik-tanaw ng singer at aktres sa kanyang online show na “I Feel U”.

Hindi raw kasi siya sanay sa pelikulang todo ang dramahan dahil nga nasanay siya sa mga romantic-comedy films samantalang ang mga co-stars niya ay subok na subok na pagdating sa iyakan.

“Siyempre, kilala natin si Angel, action-drama queen. Bea, movie queen, drama queen. Lahat sila queen in their own rights. They are all best actresses at that time already. Eh, parang yung mga ginagawa ko nu’n, romcom-romcom. So, ano bang maibibigay ko?” aniya pa.

Pero hindi pinakinggan ng mga bossing ang pakiusap niya at talagang ipinaglaban na makasama siya sa proyekto na talaga namang nagmarka sa manonood at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa madlang pipol.

“Nagulat nga kami, ganu’n pala yung pelikula. Noong time na yun, hindi namin iniisip na magiging ganu’n (kaingay),” chika pa ni Toni.

Isa sa mga hindi malilimutang eksena ni Toni sa “Four Sisters and A Wedding” bilang si Teddie Salazar ay ang iconic scene ng paghingi nito ng tawad sa kanyang ina na ginagampanan ni Coney Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending