Smokey sa kasal ni Angelica: 'Kakaiba ang ngiti at saya mo...'

Smokey emosyonal sa kasal ni Angelica: ‘Kakaiba ang ngiti at saya mo…’

Pauline del Rosario |April 26,2024
facebook
share this

Smokey emosyonal sa kasal ni Angelica: ‘Kakaiba ang ngiti at saya mo…’

Pauline del Rosario - April 26, 2024 - 11:11 AM

Smokey emosyonal sa kasal ni Angelica: ‘Kakaiba ang ngiti at saya mo…’

PHOTO: Instagram/@smokey_manoloto

TILA may hangover pa rin ang batikang aktor na si Smokey Manaloto sa naging wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Sa Instagram, ibinandera ni Smokey ang ilang moments sa kasal ng mag-asawa na ginanap sa Siargao.

Ramdam na naging emosyonal sa post ang aktor dahil isa siya sa mga naalala upang masaksihan ang special day ng kaibigang aktres.

Caption ng aktor, “Hindi pa rin ako nakaka-get over sa kasal mo Brad…Isa ka sa pinakamagandang bride na nakita ko sa tanang buhay ko kasi halatang-halata ang kakaibang ngiti at saya mo habang naglalakad ka kasama si Greg.”

Ani pa niya, “Maraming salamat at naalala mo ako sa pinakaimportanteng parte ng buhay mo. Mahal na mahal namin ang ‘pamilya’ mo, Brad… MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!”

Baka Bet Mo: Tunay na edad ni Smokey Manaloto naging debate sa netizens; nagbabu na sa ‘2 Good 2 Be True’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)

Nag-reply naman diyan mismo si Angelica na makikita sa comment section, “Mmmbrad!! [sad emoji] itigil na natin ang iyakan [laughing emoji] mahal ko kayo brad kahit hiyang hiya si cassey bitawan ang mga salitang yan [laughing emoji].”

Sa hiwalay na IG post, ibinandera naman ni Smokey ang ilang video ng aktres, kabilang na ‘yung paglalakad ng huli papunta sa kanyang mister, pati na rin ‘yung sweet moments during the reception.

“Isa sa pinaka…maganda…masaya…emosyonal na pagiisang-dibdib na nadaluhan ko,” paglalarawan ni Smokey.

Mensahe pa niya, “Congrats Brad!!!! Masayang masaya ako para sa iyo!!! We love you, Brad!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)

Magugunita noong April 20 nang maganap ang second wedding nina Angelica at Gregg sa isang boutique resort sa nasabing isla.

Talaga namang star-studded ang kanilang kasal dahil dinaluhan ito ng mga malalapit niyang kaibigan mula sa showbiz, mga big bosses na nakatrabaho pati na rin ng kanilang friends and families outside showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang inanunsyo ng married couple ang kanilang engagement noong October 2022.

Naganap naman ang una nilang kasal noong December 31, 2023 sa Los Angeles, California, USA.

Ilan sa mga celebrities na spotted sa naunang wedding ng dalawa ay sina Anne Curtis, Bela Padilla, Kim Chiu, Glaiza de Castro, Maxene Magalona, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending