Tunay na edad ni Smokey Manaloto naging debate sa netizens; nagbabu na sa '2 Good 2 Be True' | Bandera

Tunay na edad ni Smokey Manaloto naging debate sa netizens; nagbabu na sa ‘2 Good 2 Be True’

Alex Brosas - August 17, 2022 - 10:53 AM

Smokey Manaloto, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at ang iba pang cast members ng ‘2 Good 2 Be True’

TUWANG-TUWA ang “2 Good 2 Be True” mainstay na si Smokey Manaloto dahil pinabata ang kanyang edad sa internet.

Sa kanyang Instagram post, labis-labis man ang kanyang tuwa na pinabata siya ng ilang taon, he felt that he need to issue a necessary correction.

“Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa internet ay 44.”

‘Yan ang nakasulat sa artcard na ipinost ni Smokey sa kanyang Instagram account.

“Kahit na gustuhin ko man…. Baka magalit sa akin ang mga netizens. Hehehhe… #51not44,” say ni Smokey sa kanyang caption.

Agad na nag-react ang director na si Mae Cruz alviar who said, “Screen age ang 51.” Na sinagot naman ni Smokey ng, “@maecruzalviar ayaw kong maging ugat ng di pagkakaunawaan ng mga SMOKEYnians ko ang edad ko direk. Hehehe.”

Ang daming nag-react sa post na ‘yun ni Smokey. Marami rin ang nag-congratulate sa actor dahil new dad na siya sa showbiz.

Marami rin ang tila nalungkot dahil nagpaalam ang kanyang character sa “2 Good 2 Be True” dahil siguro kailangan niyang mag-concentrate sa pag-aalaga sa kanyang baby.

“Sabi na eh! Akala ko tuloy mas matanda pa sayo si Gio Alvarez hahaha.”

View this post on Instagram

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)


“Bcoz of your age online, it becomes a discussion to me & my friends which lead into an argument. I did have a little absurd arguments on fb as well. This seems part of online discussion now. I know u are in your 50s same as my age bcoz I have watched Kulit Bulilit back in the day & you’re already Smokey as you’re. I don’t know why they’re writing/ feeding wrong info on the folds of socmed?! Anyhow, Congratulations tsong @smokey_manaloto. A baby is indeed a blessing!!”

“Congrats po. khit malungkot na nag paalam ka kay lolo sir sa teleserye mo ok lng pra nman sa baby mo , Godbless you and your family keep safe.”

“@smokey_manaloto congrats po sa new baby and for sure ninang po ang bff mo na si Nanay @sylviasanchez.”

“Salamat sa clarification. Honesty is the best policy. Congratulations on your new bundle of joy.”

“Nagtaka din po ako.. Kasi 40 nako pero batang bata pa ako nung paulit ulit na muntik na kayong gumradwate sa thats entertainment.”

* * *

Buo ang suporta ng Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas sa partnership deal ng ABS-CBN at TV5 at naniniwala sila na ito ang mabisang panlaban sa monopoliya sa industriya.

“I’d like to believe that on the contrary, this is even an antidote to monopoly because in the present situation, there seems to be a so-called monopoly because we know that there is one TV network that seems to dominate the TV broadcast industry,” sinabi ni Herman Basbaño, presidente ng KBP.

May katotohanan ang kanyang sinasabi kasi sa ngayon, isang TV network lang ang may malaking audience share mula noong pagpapatigil sa pag-broadcast ng ABS-CBN noong 2020.

Halos, walang malakas na kalaban sa nagdaang dalawang taon. Dapat umalma ang mga kritiko noong walang kumpetisyon sa TV industry.

Paliwanag pa ni Basbaño na sa pagpasok ng deal na ito ay panlaban sa monopolya at magkakaroon ng healthy competition.

“Malaking bagay ito. It’s more of, the impact is positive to everyone, even to GMA. If there is competition, it brings out the best in us. We need this now. It’s GMA that is dominating everything now, and this is the answer to that and the impact – there will be healthier competition.”

Healthy competition ang kalalabasan nito at walang bahid ng pagkamkam ng kontrol sa broadcast industry.

Sinagot din ito ni Mediaquest chairman Manny Pangilinan ang isyu, ayon sa ulat ng isang website.
“We’re nowhere near GMA. Maliit pa ang TV5. I don’t know why people think it’s a major media organization,” say ni MVP.

Kaya paano sasabihin mamomonopolya ng ABS at TV5 ang industriya kung hindi naman threat ang Kapatid network.

Sadly, wala ngang pupuntahan ang mga argumento na kesyo makakasira ito sa industriya lalo pa at para lang itong normal na transaksyon sa pagitan ng dalawang kompanya.

Ito nga rin ang pahayag ng Chairman ng House Committee on Legislative Franchise na si Rep. Gus Tambunting na sinasasabing nakita lang ng ABS-CBN at TV5 na magandang oportunidad ito para gamitin ang resources ng kani-kanilang kompanya para makapagserbisyo sa manonood.

“In my opinion, this is just a simple business transaction wherein there is one company with a free channel and franchise, while another company formerly had a franchise and formerly featured good content. On a business point of view, it seems very sensible to give space to the former leading network,” pahayag ni Tambunting.

Marami ang makikinabang at wala naman magdurusa sa deal na ito taliwas sa negatibong statements na lumabas matapos magkasundo ang dalawang kompanya.Tigil-tigilan na sana ang mga hanash na iyan dahil marami ring grupo sa iba’t ibang sektor ang naghayag suporta sa business deal na ito.

“More than a legitimate partnership, the lost jobs and opportunities of linked industries when ABS-CBN lost its franchise will be given another chance to be part of a new network that should learn from the hard lessons of the past and strive to build a progressive mover in nation building,” sabi niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/321235/smokey-manaloto-daddy-na-akala-ko-huli-na-hindi-pa-pala
https://bandera.inquirer.net/315750/bitoy-sa-pagbabalik-ng-original-cast-sa-book-3-ng-pepito-manaloto-kumbaga-sa-dining-i-wet-mo-uli-ang-appetite-nila-para-hindi-magsawa
https://bandera.inquirer.net/321427/jeffrey-hidalgo-sa-erotic-thriller-movie-na-lampas-langit-maraming-sex-scenes-dito-kakabahan-sila-habang-nanonood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending