Smokey Manaloto daddy na: Akala ko huli na, hindi pa pala!
GINULAT ng actor-comedian na si Smokey Manaloto ang kanyang mga fans nang ibalita nito ang kanyang pagiging ama.
Nitong Linggo, Agosto 7, ibinahagi ng 44-year-old actor sa kanyang TikTok video ang bagong milestone sa kanyang buhay.
“Sabi nila, wala ka nang pag-asa! Sabi nila, Huli ka na sa biyahe. Akala ko nga huli na. Hindi pa pala. Heto na yung something big na nangyari sa akin!” saad ni Smokey.
Makikita rin sa naturang video ang naging pregnancy journey ng kanyang asawa mula sa ultrasound hanggang sa labor hanggang sa panganganak.
Ipinakilala naman ni Smokey ang kanyang anak na si Kiko Manaloto ngunit nananatili namang tago ang pagkakakilanlan ng kanyang partner marahil ay para na rin sa privacy nito habang magpapalakas mula sa pagpapanganak.
Bumuhos naman ang pagbati sa aktor mula sa mga kasamahan niya sa industriya.
“Congrats mmmraaaad!!!” saad ni Kean Cipriano.
Sey naman ni Eula Valdes, “Congratulations Mokey!”
View this post on Instagram
May mga netizens naman na kwelang nag-comment na may kaugnay sa role ni Smokey sa Kapamilya teleserye na “2 Good 2 Be True” kung saan gumaganap siya bilang si Kuya Badong, pinagkakatiwalaang driver ni Hugo Agcaolli.
“Akala ko ba anak mo ‘yung nanganak huhu HAHAHAHA BTW Congrats Kuya Badong. Sana lagi mong kampihan si Lolo Sir at alagaan mo siya,” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Naiiyak ako para sayo Kuya Badong. Congrats so happy for you!”
“Hindi pala totoong yung anak mo ang nanganak, yong asawa mo po pala. Lagot ka, nagsisinungaling ka kay Lolo Sir,” hirit pa ng isa.
Matatandaang pansamantalang namaalam si Kuya Badong (Smokey Manaloto) sa kanyang boss na si Hugo Agcaoilli (Ronaldo Valdez) na pansamantala muna itong uuwi sa kanilang probinsya dahil nabuntis ang kanyang anak at ang pumalit sa kanya bilang driver ay si Eloy (Daniel Padilla) sa hit Kapamilya teleserye na “2 Good 2 Be True”.
Related Chika:
Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas
Smokey Manaloto nasa GMA 7 na; may bonggang ganap sa ‘The Gift’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.